Pahayag 12:9-11
Pahayag 12:9-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Itinapon ang dambuhalang dragon, ang matandang ahas na tinatawag na Diyablo at Satanas, na nandaraya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa kasama ang lahat ng kanyang mga kampon. At narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi, “Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang lakas bilang Hari! Ipinamalas din ni Cristo ang kanyang kapangyarihan! Sapagkat pinalayas na sa langit ang umuusig araw at gabi sa mga kapatid natin. Nagtagumpay ang mga ito laban sa diyablo sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at ng kanilang pagsaksi sa katotohanan sapagkat hindi nila pinanghinayangan ang kanilang buhay.
Pahayag 12:9-11 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya itinaboy ang malaking dragon – ang ahas noong unang panahon na tinatawag na diyablo o Satanas na nanlilinlang sa mga tao sa buong mundo. Itinapon siya sa lupa kasama ang kanyang mga anghel. Pagkatapos, narinig ko ang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi, “Dumating na ang pagliligtas ng Dios sa mga tao. Ipinapakita na niya ang kanyang kapangyarihan bilang hari at ang awtoridad ni Cristo na kanyang pinili. Sapagkat pinalayas na mula sa langit ang umaakusa sa ating mga kapatid sa harap ng Dios araw at gabi. Ngunit natalo na siya ng ating mga kapatid sa pamamagitan ng dugo ng Tupa at ng katotohanang ipinangangaral nila. Hindi sila takot na ialay ang kanilang buhay alang-alang sa kanilang pananampalataya.
Pahayag 12:9-11 Ang Biblia (TLAB)
At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya. At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, na nagsasabi, Ngayo'y dumating ang kaligtasan, at ang kapangyarihan, at ang kaharian ng ating Dios, at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo: sapagka't inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanila'y nagsusumbong sa harapan ng ating Dios araw at gabi. At siya'y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan.
Pahayag 12:9-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Itinapon ang dambuhalang dragon, ang matandang ahas na tinatawag na Diyablo at Satanas, na nandaraya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa kasama ang lahat ng kanyang mga kampon. At narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi, “Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang lakas bilang Hari! Ipinamalas din ni Cristo ang kanyang kapangyarihan! Sapagkat pinalayas na sa langit ang umuusig araw at gabi sa mga kapatid natin. Nagtagumpay ang mga ito laban sa diyablo sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at ng kanilang pagsaksi sa katotohanan sapagkat hindi nila pinanghinayangan ang kanilang buhay.
Pahayag 12:9-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)