Pahayag 12:14-16
Pahayag 12:14-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ngunit ang babae ay binigyan ng mga pakpak ng malaking agila upang makalipad papunta sa ilang. Doon siya itatago sa loob ng tatlo't kalahating taon upang maligtas sa pananalakay ng ahas. Kaya't ang ahas ay nagbuga ng tubig na parang ilog upang tangayin ang babae. Subalit bumuka ang lupa at hinigop ang tubig na ibinuga ng dragon, kaya't naligtas ang babae.
Pahayag 12:14-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ngunit ang babae ay binigyan ng mga pakpak ng malaking agila upang makalipad papunta sa ilang. Doon siya itatago sa loob ng tatlo't kalahating taon upang maligtas sa pananalakay ng ahas. Kaya't ang ahas ay nagbuga ng tubig na parang ilog upang tangayin ang babae. Subalit bumuka ang lupa at hinigop ang tubig na ibinuga ng dragon, kaya't naligtas ang babae.
Pahayag 12:14-16 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ngunit binigyan ang babae ng dalawang pakpak na tulad sa malaking agila upang makalipad sa isang lugar sa ilang na inihanda para sa kanya. Doon siya aalagaan sa loob ng tatloʼt kalahating taon, malayo at ligtas sa dragon. Dahil dito, nagbuga ang dragon ng maraming tubig, parang baha, upang tangayin ang babae. Pero tinulungan ng lupa ang babae. Bumitak ito nang malalaki at hinigop ang tubig na galing sa bibig ng dragon.
Pahayag 12:14-16 Ang Biblia (TLAB)
At sa babae'y ibinigay ang dalawang pakpak ng agilang malaki, upang ilipad sa ilang mula sa harap ng ahas hanggang sa kaniyang tahanan, na pinagkandilihan sa kaniyang isang panahon, at mga panahon, at kalahati ng isang panahon. At ang ahas ay nagbuga sa kaniyang bibig sa likuran ng babae ng tubig na gaya ng isang ilog, upang maipatangay siya sa agos. At tinulungan ng lupa ang babae, at ibinuka ang kaniyang bibig at nilamon ang ilog na ibinuga ng dragon sa kaniyang bibig.
Pahayag 12:14-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)