Pahayag 12:1-6
Pahayag 12:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kasunod nito'y lumitaw sa langit ang isang kakaibang palatandaan; isang babaing nadaramtan ng araw at nakatuntong sa buwan: ang ulo niya'y may koronang binubuo ng labindalawang bituin. Malapit na siyang manganak kaya't napapasigaw siya dahil sa matinding hirap. Isa pang palatandaan ang lumitaw sa langit: isang pulang dragon na napakalaki. Ito'y may pitong ulo at sampung sungay, at may korona ang bawat ulo. Kinaladkad ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Pagkatapos, tumayo siya sa paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang sanggol sa sandaling ito'y isilang. Ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono. Ang sanggol na ito ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng tungkod na bakal. Ang babae naman ay tumakas papunta sa ilang, sa isang lugar na inihanda ng Diyos para sa kanya, upang maalagaan siya roon sa loob ng 1,260 araw.
Pahayag 12:1-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagkatapos nito, isang kagila-gilalas na bagay ang nagpakita sa langit. Nakita ko ang isang babaeng nadaramitan ng araw at nakatuntong sa buwan. May korona siya sa ulo na may 12 bituin. Manganganak na siya, kaya dumadaing siya dahil sa matinding sakit. May isa pang kagila-gilalas na bagay akong nakita sa langit: isang malaking pulang dragon na may pitong ulo at sampung sungay na may korona sa bawat ulo. Tinangay ng buntot niya ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at itinapon sa lupa. Tumayo ang dragon sa harap ng babaeng manganganak na upang lamunin ang sanggol sa oras na isilang ito. At nanganak nga ang babae ng isang sanggol na lalaki na siyang maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kamay na bakal. Hindi nakain ng dragon ang sanggol dahil inagaw agad ang sanggol at dinala sa Dios doon sa kanyang trono. Ang babae naman ay tumakas sa ilang, sa isang lugar na inihanda ng Dios para sa kanya, upang maalagaan siya roon sa loob ng 1,260 araw.
Pahayag 12:1-6 Ang Biblia (TLAB)
At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit: isang babae na nararamtan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa, at sa kaniyang ulo ay may isang putong na labingdalawang bituin; At siya'y nagdadalang tao; at siya'y sumisigaw, na nagdaramdam sa panganganak, at sa hirap upang manganak. At ang ibang tanda ay nakita sa langit: at narito, ang isang malaking dragong mapula, na may pitong ulo at sangpung sungay, at sa kaniyang mga ulo'y may pitong diadema. At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, at ipinaghagis sa lupa: at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na, upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya. At siya'y nanganak ng isang anak na lalake, na maghahari na may panghampas na bakal sa lahat ng mga bansa: at ang kaniyang anak ay inagaw na dinala hanggang sa Dios, at hanggang sa kaniyang luklukan. At tumakas ang babae sa ilang, na doon siya'y ipinaghanda ng Dios ng isang dako, upang doon siya ampuning isang libo dalawang daan at anim na pung araw.
Pahayag 12:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kasunod nito'y lumitaw sa langit ang isang kakaibang palatandaan; isang babaing nadaramtan ng araw at nakatuntong sa buwan: ang ulo niya'y may koronang binubuo ng labindalawang bituin. Malapit na siyang manganak kaya't napapasigaw siya dahil sa matinding hirap. Isa pang palatandaan ang lumitaw sa langit: isang pulang dragon na napakalaki. Ito'y may pitong ulo at sampung sungay, at may korona ang bawat ulo. Kinaladkad ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Pagkatapos, tumayo siya sa paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang sanggol sa sandaling ito'y isilang. Ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono. Ang sanggol na ito ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng tungkod na bakal. Ang babae naman ay tumakas papunta sa ilang, sa isang lugar na inihanda ng Diyos para sa kanya, upang maalagaan siya roon sa loob ng 1,260 araw.
Pahayag 12:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)