Pahayag 10:9-10
Pahayag 10:9-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nilapitan ko nga ang anghel at hiningi ang kasulatan. Sinabi niya sa akin, “Kunin mo ito at kainin; mapait iyan sa sikmura, ngunit sa iyong panlasa'y kasingtamis ng pulot-pukyutan.” Inabot ko nga at kinain ang maliit na kasulatan. Matamis nga iyon, parang pulot-pukyutan sa bibig, ngunit nang malunok ko na'y pumait ang aking sikmura.
Pahayag 10:9-10 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya lumapit ako sa anghel at hiningi ko ang kasulatang iyon. Sinabi niya sa akin, “Narito, kunin mo at kainin. Matamis ito na parang pulot sa bibig mo, ngunit magiging mapait sa tiyan mo.” Kinuha ko ang kasulatan sa kamay niya at kinain. Kasintamis nga ito ng pulot sa aking bibig, ngunit nang malunok ko na ay naging mapait sa aking tiyan.
Pahayag 10:9-10 Ang Biblia (TLAB)
At ako'y naparoon sa anghel na nagsabi ako sa kaniya na ibigay sa akin ang maliit na aklat. At kaniyang sinabi sa akin, Kunin mo ito, at ito'y kanin mo; at papapaitin ang iyong tiyan, datapuwa't sa iyong bibig ay magiging matamis na gaya ng pulot. At kinuha ko ang maliit na aklat sa kamay ng anghel, at aking kinain; at sa aking bibig ay matamis na gaya ng pulot: at nang aking makain, ay pumait ang aking tiyan.
Pahayag 10:9-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nilapitan ko nga ang anghel at hiningi ang kasulatan. Sinabi niya sa akin, “Kunin mo ito at kainin; mapait iyan sa sikmura, ngunit sa iyong panlasa'y kasingtamis ng pulot-pukyutan.” Inabot ko nga at kinain ang maliit na kasulatan. Matamis nga iyon, parang pulot-pukyutan sa bibig, ngunit nang malunok ko na'y pumait ang aking sikmura.
Pahayag 10:9-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)