Pahayag 1:19-20
Pahayag 1:19-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya't isulat mo ang iyong nakita, ang nangyayari ngayon at ang mangyayari pa pagkatapos nito. Ito ang kahulugan ng pitong ilawang ginto at ng pitong bituing hawak ko. Ang pitong ilawang ginto ay ang pitong iglesya at ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesya.
Pahayag 1:19-20 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya isulat mo ang mga bagay na ipinapakita ko sa iyo – ang mga bagay na nangyayari ngayon at ang mangyayari pa lang. Ito ang ibig sabihin ng pitong bituin na nakita mo sa kanang kamay ko at ang pitong ilawang ginto: ang pitong bituin ay ang pitong anghel na nagbabantay sa pitong iglesya, at ang pitong ilawang ginto ay ang pitong iglesya.”
Pahayag 1:19-20 Ang Biblia (TLAB)
Isulat mo nga ang mga bagay na nakita mo, at ang mga bagay ngayon, at ang mga bagay na mangyayari sa darating; Ang hiwaga ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at ng pitong kandelerong ginto. Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia: at ang pitong kandelero ay ang pitong iglesia.
Pahayag 1:19-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya't isulat mo ang iyong nakita, ang nangyayari ngayon at ang mangyayari pa pagkatapos nito. Ito ang kahulugan ng pitong ilawang ginto at ng pitong bituing hawak ko. Ang pitong ilawang ginto ay ang pitong iglesya at ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesya.
Pahayag 1:19-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)