Mga Awit 90:2-4
Mga Awit 90:2-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Bago nʼyo pa likhain ang mga bundok at ang mundo, kayo ay Dios na, at kayo pa rin ang Dios hanggang sa katapusan. Kayo ang nagpapasya kung kailan mamamatay ang isang tao. Ibinabalik nʼyo siya sa lupa dahil sa lupa siya nagmula. Ang 1,000 taon sa amin ay parang isang araw lang na lumipas sa inyo, o parang ilang oras lang sa gabi.
Mga Awit 90:2-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Wala pa ang mga bundok, hindi mo pa nilalalang, hindi mo pa nililikha itong buong daigdigan, ikaw noon ay Diyos na, pagkat ika'y walang hanggan. Yaong taong nilikha mo'y bumabalik sa alabok, sa lupa ay nagbabalik kapag iyong iniutos. Ang sanlibong mga taon ay para bang isang araw, sa mata mo, Panginoon, isang kisap-mata lamang; isang saglit sa magdamag na ito ay dumaraan.
Mga Awit 90:2-4 Ang Biblia (TLAB)
Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios. Iyong pinapagiging kapahamakan ang tao; at iyong sinasabi, Magsipanumbalik kayo, kayong mga anak ng mga tao. Sapagka't isang libong taon sa iyong paningin ay parang kahapon lamang nang makaraan, at parang pagpupuyat sa gabi.
Mga Awit 90:2-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Wala pa ang mga bundok, hindi mo pa nilalalang, hindi mo pa nililikha itong buong daigdigan, ikaw noon ay Diyos na, pagkat ika'y walang hanggan. Yaong taong nilikha mo'y bumabalik sa alabok, sa lupa ay nagbabalik kapag iyong iniutos. Ang sanlibong mga taon ay para bang isang araw, sa mata mo, Panginoon, isang kisap-mata lamang; isang saglit sa magdamag na ito ay dumaraan.
Mga Awit 90:2-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, Mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios. Iyong pinapagiging kapahamakan ang tao; At iyong sinasabi, Magsipanumbalik kayo, kayong mga anak ng mga tao. Sapagka't isang libong taon sa iyong paningin Ay parang kahapon lamang nang makaraan, At parang pagpupuyat sa gabi.