Mga Awit 9:10-12
Mga Awit 9:10-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nananalig sa iyo Yahweh, ang kumikilala sa iyong pangalan, dahil wala pang lumapit sa iyo na iyong tinanggihan. Kay Yahweh na hari ng Zion ay umawit tayo ng papuri, sa lahat ng bansa ang ginawa niya'y ipagbunyi! Inaalala ng Diyos ang mga nahihirapan, mga karaingan nila'y di niya nakakalimutan.
Mga Awit 9:10-12 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sa inyo nagtitiwala ang nakakakilala sa inyo, dahil hindi nʼyo itinatakwil ang mga lumalapit sa inyo. Magsiawit kayo ng papuri sa PANGINOON na hari ng Jerusalem! Ihayag ninyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa! Hindi niya nakakalimutan ang panawagan ng mga pinahihirapan; pinaghihigantihan niya ang mga nagpapahirap sa kanila.
Mga Awit 9:10-12 Ang Biblia (TLAB)
At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo; sapagka't ikaw, Panginoon, ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo. Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon, na nagsisitahan sa Sion: ipahayag ninyo sa gitna ng bayan ang kaniyang mga gawa. Sapagka't siyang nagsisiyasat ng dugo ay umaalaala sa kanila: hindi niya kinalilimutan ang daing ng dukha.
Mga Awit 9:10-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nananalig sa iyo Yahweh, ang kumikilala sa iyong pangalan, dahil wala pang lumapit sa iyo na iyong tinanggihan. Kay Yahweh na hari ng Zion ay umawit tayo ng papuri, sa lahat ng bansa ang ginawa niya'y ipagbunyi! Inaalala ng Diyos ang mga nahihirapan, mga karaingan nila'y di niya nakakalimutan.
Mga Awit 9:10-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo; Sapagka't ikaw, Panginoon, ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo. Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon, na nagsisitahan sa Sion: Ipahayag ninyo sa gitna ng bayan ang kaniyang mga gawa. Sapagka't siyang nagsisiyasat ng dugo ay umaalaala sa kanila: Hindi niya kinalilimutan ang daing ng dukha.