Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 9:1-20

Mga Awit 9:1-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Pupurihin kita Yahweh, nang buong puso ko, mga kahanga-hangang ginawa mo'y ipahahayag ko. Dahil sa iyo, ako ay aawit na may kagalakan, pupurihin kita, O Diyos na Kataas-taasan. Makita ka lang ay umuurong na ang aking mga kaaway, sila'y nabubuwal at namamatay sa iyong harapan. Patas at makatarungan ka sa iyong paghatol, matuwid kong panig ay iyong ipinagtanggol. Binalaan mo ang mga bansa, nilipol ang masasama; binura mo silang lahat sa balat ng lupa. Ang mga kalaban nami'y naglaho nang lubusan, ang kanilang mga lunsod, iyo nang winakasan, at sa aming alaala'y nalimot nang tuluyan. Ngunit si Yahweh ay naghaharing walang putol, itinatag niya ang kanyang trono para sa paghahatol. Pinapamahalaan niya ang daigdig ayon sa katuwiran, hinahatulan niya ang mga bansa ayon sa katarungan. Si Yahweh ang takbuhan ng mga pinahihirapan, matibay na kanlungan sa oras ng kaguluhan. Nananalig sa iyo Yahweh, ang kumikilala sa iyong pangalan, dahil wala pang lumapit sa iyo na iyong tinanggihan. Kay Yahweh na hari ng Zion ay umawit tayo ng papuri, sa lahat ng bansa ang ginawa niya'y ipagbunyi! Inaalala ng Diyos ang mga nahihirapan, mga karaingan nila'y di niya nakakalimutan. O Yahweh, ako sana'y iyong kahabagan, masdan ang pahirap na dinaranas ko mula sa kaaway! Iligtas mo ako sa bingit ng kamatayan, upang sa harapan ng Lunsod ng Zion, aking isalaysay. Dahil sa iyong pagliligtas, papuri ko'y ibibigay. Nahulog ang mga bansa, sa patibong na gawa nila; sa bitag para sa akin, ang nahuli ay sila! Sa matuwid niyang hatol si Yahweh ay nagpakilala, at ang masasama'y nahuhuli sa mga bitag na gawa nila. (Higgaion, Selah) Sa daigdig ng mga patay doon sila matatapos, pati ang lahat ng bansang nagtakwil sa Diyos. Hindi habang panahong pababayaan ang dukha; hindi na rin mawawala, pag-asa ng maralita. Huwag mong tulutan, Yahweh, na labanan ka ng mga tao! Tipunin mong lahat ang mga bansa at sila'y hatulan mo. Takutin mo, O Yahweh, ang lahat ng bayan, at iyong ipabatid na sila'y tao lamang. (Selah)

Mga Awit 9:1-20 Ang Salita ng Dios (ASND)

PANGINOON, buong puso kitang pasasalamatan. Ikukuwento ko ang lahat ng inyong ginawang kahanga-hanga. Magpapakasaya ako dahil sa inyo, Kataas-taasang Dios. Aawit ako ng mga papuri para sa inyo. Kapag nagpapakita kayo sa aking mga kaaway, natatakot sila: tumatakas sila, nadadapa, at sa inyong harapan silaʼy namamatay. Nakaupo kayo sa inyong trono bilang matuwid na hukom. Noong hinatulan nʼyo ako, napatunayan nʼyong wala akong kasalanan. Hinatulan nʼyo at nilipol ang mga bansang masasama, kaya hindi na sila maaalala magpakailanman. Tuluyan nang nawala ang aking mga kaaway; sila ay lubusang nawasak. Giniba nʼyo rin ang kanilang mga bayan, at silaʼy lubusan nang makakalimutan. Ngunit kayo, PANGINOON ay maghahari magpakailanman. At handa na ang inyong trono para sa paghatol. Hinahatulan nʼyo nang matuwid ang mga tao sa bawat bansa, at wala kayong kinikilingan. PANGINOON, kayo ang kanlungan ng mga inaapi, at kublihan sa panahon ng kahirapan. Sa inyo nagtitiwala ang nakakakilala sa inyo, dahil hindi nʼyo itinatakwil ang mga lumalapit sa inyo. Magsiawit kayo ng papuri sa PANGINOON na hari ng Jerusalem! Ihayag ninyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa! Hindi niya nakakalimutan ang panawagan ng mga pinahihirapan; pinaghihigantihan niya ang mga nagpapahirap sa kanila. PANGINOON, tingnan nʼyo po ang pagpapahirap sa akin ng aking mga kaaway. Maawa kayo sa akin, at iligtas nʼyo ako sa bingit ng kamatayan, upang masabi ko sa lahat ng tao sa pintuan ng Zion, ang inyong mga ginawa, at akoʼy magagalak at magpupuri dahil sa inyong pagliligtas. Nangyari mismo sa kanilang bansa ang plinano nilang masama. At sila mismo ang nahuli sa sarili nilang bitag. Ipinakita ng PANGINOON kung sino siya sa pamamagitan ng paghatol niya ng matuwid. At ang masasama ay napahamak, dahil na rin sa kanilang ginawang masama. Mamamatay ang taong masasama sa lahat ng bansa, dahil itinakwil nila ang Dios. Ang mga dukha ay hindi laging pababayaan, at ang pag-asa ng mga mahihirap ay hindi na mawawala kailanman. O PANGINOON, huwag nʼyong pabayaang manaig ang kakayahan ng mga tao, tipunin nʼyo sa inyong presensya at hatulan ang mga taong hindi kumikilala sa inyo. Turuan nʼyo silang matakot PANGINOON, at nang malaman nilang silaʼy mga tao lamang.

Mga Awit 9:1-20 Ang Biblia (TLAB)

Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso; aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa. Ako'y magpapakasaya at magpapakagalak sa iyo: ako'y aawit ng pagpuri sa iyong pangalan, Oh ikaw na kataastaasan. Pagka ang aking mga kaaway ay magsisibalik, sila'y matitisod at malilipol sa iyong harapan. Sapagka't iyong inalalayan ang aking matuwid at ang aking usap; ikaw ay nauupo sa luklukan na humahatol na may katuwiran. Iyong sinaway ang mga bansa, iyong nilipol ang masama, iyong pinawi ang kanilang pangalan magpakailan man. Ang kaaway ay dumating sa wakas, sila'y lipol magpakailan man; at ang mga siyudad na iyong dinaig, ang tanging alaala sa kanila ay napawi. Nguni't ang Panginoon ay nauupong hari magpakailan man: inihanda niya ang kaniyang luklukan para sa kahatulan. At hahatulan niya sa katuwiran ang sanglibutan, siya'y mangangasiwa ng karampatang kahatulan sa mga tao. Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati, matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan; At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo; sapagka't ikaw, Panginoon, ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo. Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon, na nagsisitahan sa Sion: ipahayag ninyo sa gitna ng bayan ang kaniyang mga gawa. Sapagka't siyang nagsisiyasat ng dugo ay umaalaala sa kanila: hindi niya kinalilimutan ang daing ng dukha. Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; masdan mo ang kadalamhatian na aking tinitiis sa kanila na mangagtatanim sa akin, ikaw na nagtataas sa akin mula sa mga pintuan ng kamatayan; Upang aking maipakilala ang iyong buong kapurihan: sa mga pintuang-bayan ng anak na babae ng Sion, ako'y magagalak sa iyong pagliligtas. Ang mga bansa ay nangahulog sa balon na kanilang ginawa: sa silo na kanilang ikinubli ay kanilang sariling paa ang nahuli. Ang Panginoon ay napakilala, siya'y naglapat ng kahatulan: ang masama ay nasilo sa mga gawa ng kaniyang sariling mga kamay. (Higgaion. Selah) Ang masama ay mauuwi sa Sheol, pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Dios. Sapagka't ang mapagkailangan ay hindi laging malilimutan, ni ang pagasa ng dukha ay mapapawi magpakailan man. Bumangon ka, Oh Panginoon; huwag manaig ang tao: mahatulan ang mga bansa sa iyong paningin. Ilagay mo sila sa katakutan Oh, Panginoon: ipakilala mo sa mga bansa na sila'y mga tao lamang. (Selah)

Mga Awit 9:1-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Pupurihin kita Yahweh, nang buong puso ko, mga kahanga-hangang ginawa mo'y ipahahayag ko. Dahil sa iyo, ako ay aawit na may kagalakan, pupurihin kita, O Diyos na Kataas-taasan. Makita ka lang ay umuurong na ang aking mga kaaway, sila'y nabubuwal at namamatay sa iyong harapan. Patas at makatarungan ka sa iyong paghatol, matuwid kong panig ay iyong ipinagtanggol. Binalaan mo ang mga bansa, nilipol ang masasama; binura mo silang lahat sa balat ng lupa. Ang mga kalaban nami'y naglaho nang lubusan, ang kanilang mga lunsod, iyo nang winakasan, at sa aming alaala'y nalimot nang tuluyan. Ngunit si Yahweh ay naghaharing walang putol, itinatag niya ang kanyang trono para sa paghahatol. Pinapamahalaan niya ang daigdig ayon sa katuwiran, hinahatulan niya ang mga bansa ayon sa katarungan. Si Yahweh ang takbuhan ng mga pinahihirapan, matibay na kanlungan sa oras ng kaguluhan. Nananalig sa iyo Yahweh, ang kumikilala sa iyong pangalan, dahil wala pang lumapit sa iyo na iyong tinanggihan. Kay Yahweh na hari ng Zion ay umawit tayo ng papuri, sa lahat ng bansa ang ginawa niya'y ipagbunyi! Inaalala ng Diyos ang mga nahihirapan, mga karaingan nila'y di niya nakakalimutan. O Yahweh, ako sana'y iyong kahabagan, masdan ang pahirap na dinaranas ko mula sa kaaway! Iligtas mo ako sa bingit ng kamatayan, upang sa harapan ng Lunsod ng Zion, aking isalaysay. Dahil sa iyong pagliligtas, papuri ko'y ibibigay. Nahulog ang mga bansa, sa patibong na gawa nila; sa bitag para sa akin, ang nahuli ay sila! Sa matuwid niyang hatol si Yahweh ay nagpakilala, at ang masasama'y nahuhuli sa mga bitag na gawa nila. (Higgaion, Selah) Sa daigdig ng mga patay doon sila matatapos, pati ang lahat ng bansang nagtakwil sa Diyos. Hindi habang panahong pababayaan ang dukha; hindi na rin mawawala, pag-asa ng maralita. Huwag mong tulutan, Yahweh, na labanan ka ng mga tao! Tipunin mong lahat ang mga bansa at sila'y hatulan mo. Takutin mo, O Yahweh, ang lahat ng bayan, at iyong ipabatid na sila'y tao lamang. (Selah)

Mga Awit 9:1-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso; Aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa. Ako'y magpapakasaya at magpapakagalak sa iyo: Ako'y aawit ng pagpuri sa iyong pangalan, Oh ikaw na kataastaasan. Pagka ang aking mga kaaway ay magsisibalik, Sila'y matitisod at malilipol sa iyong harapan. Sapagka't iyong inalalayan ang aking matuwid at ang aking usap; Ikaw ay nauupo sa luklukan na humahatol na may katuwiran. Iyong sinaway ang mga bansa, iyong nilipol ang masama, Iyong pinawi ang kanilang pangalan magpakailan man. Ang kaaway ay dumating sa wakas, sila'y lipol magpakailan man; At ang mga siyudad na iyong dinaig, Ang tanging alaala sa kanila ay napawi. Nguni't ang Panginoon ay nauupong hari magpakailan man: Inihanda niya ang kaniyang luklukan para sa kahatulan. At hahatulan niya sa katuwiran ang sanglibutan, Siya'y mangangasiwa ng karampatang kahatulan sa mga tao. Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati, Matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan; At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo; Sapagka't ikaw, Panginoon, ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo. Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon, na nagsisitahan sa Sion: Ipahayag ninyo sa gitna ng bayan ang kaniyang mga gawa. Sapagka't siyang nagsisiyasat ng dugo ay umaalaala sa kanila: Hindi niya kinalilimutan ang daing ng dukha. Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; Masdan mo ang kadalamhatian na aking tinitiis sa kanila na mangagtatanim sa akin, Ikaw na nagtataas sa akin mula sa mga pintuan ng kamatayan; Upang aking maipakilala ang iyong buong kapurihan: Sa mga pintuang-bayan ng anak na babae ng Sion, Ako'y magagalak sa iyong pagliligtas. Ang mga bansa ay nangahulog sa balon na kanilang ginawa: Sa silo na kanilang ikinubli ay kanilang sariling paa ang nahuli. Ang Panginoon ay napakilala, siya'y naglapat ng kahatulan: Ang masama ay nasilo sa mga gawa ng kaniyang sariling mga kamay. (Higgaion. Selah) Ang masama ay mauuwi sa Sheol, Pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Dios. Sapagka't ang mapagkailangan ay hindi laging malilimutan, Ni ang pagasa ng dukha ay mapapawi magpakailan man. Bumangon ka, Oh Panginoon; huwag manaig ang tao: Mahatulan ang mga bansa sa iyong paningin. Ilagay mo sila sa katakutan Oh, Panginoon: Ipakilala mo sa mga bansa na sila'y mga tao lamang. (Selah)

Mga Awit 9:1-20

Mga Awit 9:1-20 RTPV05Mga Awit 9:1-20 RTPV05Mga Awit 9:1-20 RTPV05Mga Awit 9:1-20 RTPV05