Mga Awit 9:1-10
Mga Awit 9:1-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pupurihin kita Yahweh, nang buong puso ko, mga kahanga-hangang ginawa mo'y ipahahayag ko. Dahil sa iyo, ako ay aawit na may kagalakan, pupurihin kita, O Diyos na Kataas-taasan. Makita ka lang ay umuurong na ang aking mga kaaway, sila'y nabubuwal at namamatay sa iyong harapan. Patas at makatarungan ka sa iyong paghatol, matuwid kong panig ay iyong ipinagtanggol. Binalaan mo ang mga bansa, nilipol ang masasama; binura mo silang lahat sa balat ng lupa. Ang mga kalaban nami'y naglaho nang lubusan, ang kanilang mga lunsod, iyo nang winakasan, at sa aming alaala'y nalimot nang tuluyan. Ngunit si Yahweh ay naghaharing walang putol, itinatag niya ang kanyang trono para sa paghahatol. Pinapamahalaan niya ang daigdig ayon sa katuwiran, hinahatulan niya ang mga bansa ayon sa katarungan. Si Yahweh ang takbuhan ng mga pinahihirapan, matibay na kanlungan sa oras ng kaguluhan. Nananalig sa iyo Yahweh, ang kumikilala sa iyong pangalan, dahil wala pang lumapit sa iyo na iyong tinanggihan.
Mga Awit 9:1-10 Ang Salita ng Diyos (ASD)
PANGINOON, buong puso kitang pasasalamatan. Ilalahad ko ang lahat ng inyong ginawang kahanga-hanga. Dahil sa inyo, Kataas-taasang Diyos akoʼy magsasaya. Magagalak ako at aawit ng mga papuri para sa inyo. Aawit ako ng mga papuri para sa inyo. Kapag kayoʼy nagpapakita sa aking mga kaaway, natatakot sila at umaatras; tumatakas sila at nadadapa, at sa inyong harapan silaʼy namamatay. Nakaupo kayo sa inyong trono bilang matuwid na hukom. Noong akoʼy inyong hinatulan, napatunayan nʼyong wala akong kasalanan. Hinatulan nʼyo at nilipol ang mga bansang masasamâ, kaya hindi na sila maaalala magpakailanman. Tuluyan nang nawala ang aking mga kaaway; sila ay lubusang nawasak. Giniba nʼyo rin ang kanilang mga bayan, at silaʼy lubusan nang makakalimutan. Ngunit kayo, PANGINOON ay maghahari magpakailanman. At handa na ang inyong trono para sa paghatol. Matuwid ninyong pinamumunuan ang sangkatauhan, silaʼy inyong hinahatulan nang walang pagkiling kaninuman. PANGINOON, kayo ang kanlungan ng mga inaapi, at kublihan sa panahon ng kahirapan. Sa inyo nagtitiwala ang nakakakilala sa inyo, dahil hindi nʼyo itinatakwil ang mga lumalapit sa inyo.
Mga Awit 9:1-10 Ang Biblia (TLAB)
Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso; aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa. Ako'y magpapakasaya at magpapakagalak sa iyo: ako'y aawit ng pagpuri sa iyong pangalan, Oh ikaw na kataastaasan. Pagka ang aking mga kaaway ay magsisibalik, sila'y matitisod at malilipol sa iyong harapan. Sapagka't iyong inalalayan ang aking matuwid at ang aking usap; ikaw ay nauupo sa luklukan na humahatol na may katuwiran. Iyong sinaway ang mga bansa, iyong nilipol ang masama, iyong pinawi ang kanilang pangalan magpakailan man. Ang kaaway ay dumating sa wakas, sila'y lipol magpakailan man; at ang mga siyudad na iyong dinaig, ang tanging alaala sa kanila ay napawi. Nguni't ang Panginoon ay nauupong hari magpakailan man: inihanda niya ang kaniyang luklukan para sa kahatulan. At hahatulan niya sa katuwiran ang sanglibutan, siya'y mangangasiwa ng karampatang kahatulan sa mga tao. Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati, matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan; At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo; sapagka't ikaw, Panginoon, ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo.
Mga Awit 9:1-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pupurihin kita Yahweh, nang buong puso ko, mga kahanga-hangang ginawa mo'y ipahahayag ko. Dahil sa iyo, ako ay aawit na may kagalakan, pupurihin kita, O Diyos na Kataas-taasan. Makita ka lang ay umuurong na ang aking mga kaaway, sila'y nabubuwal at namamatay sa iyong harapan. Patas at makatarungan ka sa iyong paghatol, matuwid kong panig ay iyong ipinagtanggol. Binalaan mo ang mga bansa, nilipol ang masasama; binura mo silang lahat sa balat ng lupa. Ang mga kalaban nami'y naglaho nang lubusan, ang kanilang mga lunsod, iyo nang winakasan, at sa aming alaala'y nalimot nang tuluyan. Ngunit si Yahweh ay naghaharing walang putol, itinatag niya ang kanyang trono para sa paghahatol. Pinapamahalaan niya ang daigdig ayon sa katuwiran, hinahatulan niya ang mga bansa ayon sa katarungan. Si Yahweh ang takbuhan ng mga pinahihirapan, matibay na kanlungan sa oras ng kaguluhan. Nananalig sa iyo Yahweh, ang kumikilala sa iyong pangalan, dahil wala pang lumapit sa iyo na iyong tinanggihan.
Mga Awit 9:1-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso; Aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa. Ako'y magpapakasaya at magpapakagalak sa iyo: Ako'y aawit ng pagpuri sa iyong pangalan, Oh ikaw na kataastaasan. Pagka ang aking mga kaaway ay magsisibalik, Sila'y matitisod at malilipol sa iyong harapan. Sapagka't iyong inalalayan ang aking matuwid at ang aking usap; Ikaw ay nauupo sa luklukan na humahatol na may katuwiran. Iyong sinaway ang mga bansa, iyong nilipol ang masama, Iyong pinawi ang kanilang pangalan magpakailan man. Ang kaaway ay dumating sa wakas, sila'y lipol magpakailan man; At ang mga siyudad na iyong dinaig, Ang tanging alaala sa kanila ay napawi. Nguni't ang Panginoon ay nauupong hari magpakailan man: Inihanda niya ang kaniyang luklukan para sa kahatulan. At hahatulan niya sa katuwiran ang sanglibutan, Siya'y mangangasiwa ng karampatang kahatulan sa mga tao. Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati, Matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan; At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo; Sapagka't ikaw, Panginoon, ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo.



