Mga Awit 89:14-16
Mga Awit 89:14-16 Ang Salita ng Dios (ASND)
Katuwiran at katarungan ang pundasyon ng inyong paghahari na pinangungunahan ng tapat na pag-ibig at katotohanan. PANGINOON, mapalad ang mga taong nakaranas na sumigaw dahil sa kagalakan para sa inyo. Namumuhay sila sa liwanag na nagmumula sa inyo. Dahil sa inyo palagi silang masaya. At ang inyong pagiging makatuwiran ay pinupuri nila.
Mga Awit 89:14-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Katuwiran at kahatulan ay patibayan ng iyong luklukan: Kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapauna sa iyong mukha. Mapalad ang bayan na nakakaalam ng masayang tunog: Sila'y nagsisilakad, Oh Panginoon, sa liwanag ng iyong mukha. Sa iyong pangalan ay nangagagalak sila buong araw: At sa iyong katuwiran ay nangatataas sila.
Mga Awit 89:14-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang kaharian mo ay makatarungan, saligang matuwid ang pinagtayuan; wagas na pag-ibig at ang katapatan, ang pamamahala mong ginagampanan. Mapalad ang taong sa iyo'y sumasamba, sa pagsamba nila'y inaawitan ka at sa pag-ibig mo'y namumuhay sila. Sa buong maghapon, ika'y pinupuri, ang katarungan mo'y siyang sinasabi.
Mga Awit 89:14-16 Ang Biblia (TLAB)
Katuwiran at kahatulan ay patibayan ng iyong luklukan: kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapauna sa iyong mukha. Mapalad ang bayan na nakakaalam ng masayang tunog: sila'y nagsisilakad, Oh Panginoon, sa liwanag ng iyong mukha. Sa iyong pangalan ay nangagagalak sila buong araw: at sa iyong katuwiran ay nangatataas sila.
Mga Awit 89:14-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)