Mga Awit 89:11-14
Mga Awit 89:11-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa iyo ang langit, sa iyo ang lupa, ang buong daigdig ikaw ang maylikha, lahat nang naroo'y sa iyo nagmula. Timog at hilaga, ikaw ang naglagay; Bundok Hermo't Tabor ay nag-aawitan, nagpupuri sila sa iyong pangalan. Ang taglay mong lakas at kapangyarihan, ay walang kaparis, di matatawaran! Ang kaharian mo ay makatarungan, saligang matuwid ang pinagtayuan; wagas na pag-ibig at ang katapatan, ang pamamahala mong ginagampanan.
Mga Awit 89:11-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang langit ay iyo, ang lupa ay iyo rin: Ang sanglibutan at ang buong narito ay iyong itinatag, Ang hilagaan at ang timugan ay iyong nilikha; Ang Tabor at ang Hermon ay nangagagalak sa iyong pangalan. Ikaw ay may makapangyarihang bisig: Malakas ang iyong kamay, at mataas ang iyong kanang kamay. Katuwiran at kahatulan ay patibayan ng iyong luklukan: Kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapauna sa iyong mukha.
Mga Awit 89:11-14 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sa inyo ang langit at ang lupa, ang mundo at ang lahat ng naritoʼy kayo ang lumikha. Nilikha nʼyo ang hilaga at ang timog. Ang mga bundok ng Tabor at Hermon ay parang mga taong umaawit sa inyo nang may kagalakan. Ang lakas nʼyo ay walang kapantay, at ang inyong kanang kamay ay nakataas at napakamakapangyarihan! Katuwiran at katarungan ang pundasyon ng inyong paghahari na pinangungunahan ng tapat na pag-ibig at katotohanan.
Mga Awit 89:11-14 Ang Biblia (TLAB)
Ang langit ay iyo, ang lupa ay iyo rin: ang sanglibutan at ang buong narito ay iyong itinatag, Ang hilagaan at ang timugan ay iyong nilikha; ang Tabor at ang Hermon ay nangagagalak sa iyong pangalan. Ikaw ay may makapangyarihang bisig: malakas ang iyong kamay, at mataas ang iyong kanang kamay. Katuwiran at kahatulan ay patibayan ng iyong luklukan: kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapauna sa iyong mukha.
Mga Awit 89:11-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)