Mga Awit 84:5-7
Mga Awit 84:5-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang sa iyo umaasa'y masasabing mapalad din, silang mga naghahangad, sa Zion ay makarating. Habang sila'y naglalakbay sa tigang na kapatagan, tuyong lupa'y binabaha sa maagap na pag-ulan. Habang sila'y lumalakad, lalo silang lumalakas, batid nilang nasa Zion ang Diyos nilang hinahanap.
Mga Awit 84:5-7 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mapalad ang mga taong tumanggap ng kalakasan mula sa inyo at nananabik na makapunta sa inyong templo. Habang binabaybay nila ang tuyong lambak ng Baca, iniisip nilang may mga bukal doon at tila umulan dahil may tubig kahit saan. Lalo silang lumalakas habang lumalakad hanggang ang bawat isa sa kanila ay makarating sa presensya ng Dios doon sa Zion.
Mga Awit 84:5-7 Ang Biblia (TLAB)
Mapalad ang tao na ang kalakasan ay nasa iyo; na may mga daan sa kaniyang puso na tungo sa Sion. Na nagdaraan sa libis ng iyak na ginagawa nilang dako ng mga bukal; Oo, tinatakpan ng pagpapala ng maagang ulan. Sila'y nagsisiyaon sa kalakasa't kalakasan, bawa't isa sa kanila ay napakikita sa harap ng Dios sa Sion.
Mga Awit 84:5-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang sa iyo umaasa'y masasabing mapalad din, silang mga naghahangad, sa Zion ay makarating. Habang sila'y naglalakbay sa tigang na kapatagan, tuyong lupa'y binabaha sa maagap na pag-ulan. Habang sila'y lumalakad, lalo silang lumalakas, batid nilang nasa Zion ang Diyos nilang hinahanap.
Mga Awit 84:5-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Mapalad ang tao na ang kalakasan ay nasa iyo; Na may mga daan sa kaniyang puso na tungo sa Sion. Na nagdaraan sa libis ng Iyak na ginagawa nilang dako ng mga bukal; Oo, tinatakpan ng pagpapala ng maagang ulan. Sila'y nagsisiyaon sa kalakasa't kalakasan, Bawa't isa sa kanila ay napakikita sa harap ng Dios sa Sion.