Mga Awit 84:3
Mga Awit 84:3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Panginoon, sa templo mo, mga maya'y nagpupugad, maging ibong layang-layang sa templo mo'y nagagalak, may inakay na kalinga sa tabi ng iyong altar; O Yahweh, hari namin at Diyos na walang hanggan.
Mga Awit 84:3 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOONG Makapangyarihan, aking Hari at Dios, kahit na ang mga ibon ay may pugad malapit sa altar kung saan nila inilalagay ang kanilang mga inakay.
Mga Awit 84:3 Ang Biblia (TLAB)
Oo, ang maya ay nakasumpong ng bahay, at ang langaylangayan ay nagpugad para sa kaniya, na mapaglalapagan niya ng kaniyang inakay, sa makatuwid baga'y iyong mga dambana, Oh Panginoon ng mga hukbo, Hari ko, at Dios ko.