Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 84:1-12

Mga Awit 84:1-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Mahal ko ang iyong templo, O Makapangyarihang Yahweh! Nasasabik ang lingkod mo na sa templo ay pumasok. Ang buo kong pagkatao'y umaawit na may lugod, sa masayang pag-awit ko pinupuri'y buháy na Diyos. Panginoon, sa templo mo, mga maya'y nagpupugad, maging ibong layang-layang sa templo mo'y nagagalak, may inakay na kalinga sa tabi ng iyong altar; O Yahweh, hari namin at Diyos na walang hanggan. Mapalad na masasabi, silang doo'y tumatahan at palaging umaawit, nagpupuring walang hanggan. (Selah) Ang sa iyo umaasa'y masasabing mapalad din, silang mga naghahangad, sa Zion ay makarating. Habang sila'y naglalakbay sa tigang na kapatagan, tuyong lupa'y binabaha sa maagap na pag-ulan. Habang sila'y lumalakad, lalo silang lumalakas, batid nilang nasa Zion ang Diyos nilang hinahanap. Dinggin mo ang dalangin ko, O Yahweh, Makapangyarihang Diyos, O ikaw na Diyos ni Jacob, dinggin mo ang iyong lingkod. (Selah) Basbasan mo, aming Diyos, itong hari naming mahal, pagpalain mo po siya pagkat ikaw ang humirang. Kahit isang araw lamang, mas gusto ko sa templo mo, kaysa isang libong araw na iba ang tahanan ko. Gusto ko pang maging bantay sa pinto ng iyong templo, kaysa ako'y tumira sa bahay ng mga palalo. Pagkat ang PANGINOONG Yahweh, pag-asa at sanggalang, kami'y pinagpapala mo sa pag-ibig mo at dangal. Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal. O Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang magtiwala sa iyo'y masasabing mapalad!

Mga Awit 84:1-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Mga Awit 84:1-12 Ang Salita ng Dios (ASND)

PANGINOONG Makapangyarihan, kay ganda ng inyong templo! Gustong-gusto kong pumunta roon! Nananabik akong pumasok sa inyong templo, PANGINOON. Ang buong katauhan koʼy aawit nang may kagalakan sa inyo, O Dios na buhay. PANGINOONG Makapangyarihan, aking Hari at Dios, kahit na ang mga ibon ay may pugad malapit sa altar kung saan nila inilalagay ang kanilang mga inakay. Mapalad ang mga taong nakatira sa inyong templo; lagi silang umaawit ng mga papuri sa inyo. Mapalad ang mga taong tumanggap ng kalakasan mula sa inyo at nananabik na makapunta sa inyong templo. Habang binabaybay nila ang tuyong lambak ng Baca, iniisip nilang may mga bukal doon at tila umulan dahil may tubig kahit saan. Lalo silang lumalakas habang lumalakad hanggang ang bawat isa sa kanila ay makarating sa presensya ng Dios doon sa Zion. PANGINOONG Dios na Makapangyarihan, Dios ni Jacob, pakinggan nʼyo ang aking panalangin! Pagpalain nʼyo O Dios, ang tagapagtanggol namin, ang hari na inyong pinili. Ang isang araw sa inyong templo ay higit na mabuti kaysa sa 1,000 araw sa ibang lugar. O Dios, mas gusto ko pang tumayo sa inyong templo, O Dios, kaysa sa manirahan sa bahay ng masama. Dahil kayo PANGINOONG Dios ay parang araw na nagbibigay liwanag sa amin at pananggalang na nag-iingat sa amin. Pinagpapala nʼyo rin kami at pinararangalan Hindi nʼyo ipinagkakait ang mabubuting bagay sa sinumang matuwid ang pamumuhay. O PANGINOONG Makapangyarihan, mapalad ang taong nagtitiwala sa inyo.