Mga Awit 8:3-6
Mga Awit 8:3-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong kamay, pati ang buwan at mga bituin na iyong inilagay. Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan? Nilikha mo siyang mababa sa iyo nang kaunti, pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati. Ginawa mo siyang pinuno ng lahat ng iyong nilikha, sa lahat ng mga bagay, siya ang iyong pinamahala
Mga Awit 8:3-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kapag tumitingala ako sa langit na inyong nilikha, at aking pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa kanilang kinalalagyan, akoʼy nagtatanong, ano ba ang tao upang inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang inyong kalingain? Ginawa nʼyo kaming mababa ng kaunti sa mga anghel. Ngunit pinarangalan nʼyo kami na parang mga hari. Ipinamahala nʼyo sa amin ang inyong mga nilalang, at ipinasailalim sa amin ang lahat ng bagay
Mga Awit 8:3-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong kamay, pati ang buwan at mga bituin na iyong inilagay. Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan? Nilikha mo siyang mababa sa iyo nang kaunti, pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati. Ginawa mo siyang pinuno ng lahat ng iyong nilikha, sa lahat ng mga bagay, siya ang iyong pinamahala
Mga Awit 8:3-6 Ang Biblia (TLAB)
Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos; Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya? Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios, at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa
Mga Awit 8:3-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, Ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos; Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya? Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa Dios, At pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan. Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; Iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa