Mga Awit 78:5-7
Mga Awit 78:5-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mayro'n siyang patotoo na kay Jacob itinatag, mayro'n siyang kautusang sa Israel iniatas; ang utos sa ating nuno, dapat nilang ipatupad, ituturong lagi ito, sa kanilang mga anak. Sa lahat ng lahi nila ito'y dapat na iaral, at ang angkang susunod pa ay marapat na turuan. Sa ganito, masusunod nilang lagi yaong utos, ang matatag na pag-asa'y ilalagak nila sa Diyos, at ang dakila niyang gawa'y hindi nila malilimot.
Mga Awit 78:5-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sapagka't siya'y nagtatag ng patotoo sa Jacob, At nagtakda ng kautusan sa Israel, Na kaniyang iniutos sa aming mga magulang, Na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak: Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak; Na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak: Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios, At huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios, Kundi ingatan ang kaniyang mga utos
Mga Awit 78:5-7 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ibinigay niya ang kanyang mga kautusan sa mga mamamayan ng Israel na mula sa lahi ni Jacob. Iniutos niya sa ating mga ninuno na ituro ito sa kanilang mga anak, upang malaman din ito ng mga susunod na lahi at nang ituro rin nila ito sa kanilang mga anak. Sa ganitong paraan, magtitiwala sila sa Dios at hindi nila makakalimutan ang kanyang ginawa, at susundin nila ang kanyang mga utos
Mga Awit 78:5-7 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't siya'y nagtatag ng patotoo sa Jacob, at nagtakda ng kautusan sa Israel, na kaniyang iniutos sa aming mga magulang, na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak: Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak; na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak: Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios, at huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios, Kundi ingatan ang kaniyang mga utos
Mga Awit 78:5-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)