Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 78:1-37

Mga Awit 78:1-37 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Kayo ngayon ay makinig sa turo ko, mga anak, inyong dinggi't ulinigin, salita kong binibigkas. Itong aking sasabihin ay bagay na talinhaga, nangyari pa noong una, kaya ito'y mahiwaga. Ito'y aming narinig na, kaya naman aming alam, nagbuhat sa aming nuno na sa ami'y isinaysay. Sa sarili naming anak ito'y hindi ililihim, ito'y aming isasaysay sa sunod na lahi namin; mga gawang tinutukoy ay lubhang kahanga-hanga na si Yahweh ang gumanap, mga gawa niyang dakila. Mayro'n siyang patotoo na kay Jacob itinatag, mayro'n siyang kautusang sa Israel iniatas; ang utos sa ating nuno, dapat nilang ipatupad, ituturong lagi ito, sa kanilang mga anak. Sa lahat ng lahi nila ito'y dapat na iaral, at ang angkang susunod pa ay marapat na turuan. Sa ganito, masusunod nilang lagi yaong utos, ang matatag na pag-asa'y ilalagak nila sa Diyos, at ang dakila niyang gawa'y hindi nila malilimot. Sa kanilang mga nuno, hindi dapat na pumaris, na matigas ang damdaming sa Diyos ay naghimagsik; isang lahing di marunong magtiwala at magtiis, ang pag-asa ay marupok at kulang ang pananalig. Tulad ng Efraimita, mga pana ang sandata, sa panahon ng labana'y nagsitakas pa rin sila. Ang tipan sa Panginoo'y hindi nila sinusunod, hindi sila lumalakad nang ayon sa mga utos. Nakalimutan na nila ang lahat ng kabutihan, mga gawa ng ating Diyos na kanilang hinangaan. Ang lahat ng gawang ito, noong una'y nasaksihan, ang nangyari sa Egipto, sa lupain nitong Zoan, hinawi niya yaong dagat, doon sila pinaraan, ang tubig sa magkabila'y parang pader kung pagmasdan. Kapag araw, sa paglakad naging gabay nila'y ulap, at kung gabi naman, tanglaw ay apoy na maliwanag. May tubig na iniinom kahit sila nasa ilang, sa batuha'y umaagos na likas sa kalaliman. Mula roon sa batuhan, ang tubig ay umaagos, daloy nito kung pagmasdan, katulad ay isang ilog. Ngunit sila'y patuloy rin sa kanilang kasalanan, sinusuway nila ang Diyos habang sila'y nasa ilang. Sadya nilang sinusubok, ginagalit nila ang Diyos; ang hiningi ay pagkaing gustung-gusto nilang lubos. Kinalaban nila ang Diyos nang sabihin ang ganito: “Sa gitna ba nitong ilang mabubusog niya tayo? Nang hampasin yaong bato, oo't tubig ay bumukal, dumaloy ang mga batis, tubig doon ay umapaw; ngunit ito yaong tanong, tayo kaya'y mabibigyan ng tinapay na masarap at ng karneng kailangan?” Nang marinig ang ganito, si Yahweh nama'y nag-init, sa hinirang niyang bansa'y nag-apoy ang kanyang galit. Pagkat sila ay ayaw nang sa Diyos ay magtiwala, sa pangakong pagliligtas ay ayaw nang maniwala. Gayon pa man, itong Diyos nag-utos sa kalangitan, at ang mga pinto nito'y agad-agad na nabuksan. Bunga nito, ang pagkai'y bumuhos na parang ulan, ang pagkain nilang manna, sa kanila'y ibinigay. Ang kaloob na pagkai'y pagkain ng mga anghel, hindi sila nagkukulang, masagana kung dumating. Yaong ihip ng amihan, ay siya rin ang nag-utos, sa taglay na lakas niya'y dumating ang hanging timog. Ang pagkain nilang karne'y masaganang dumarating, makapal na mga ibon na sindami ng buhangin. Sa gitna ng kampo nila ay doon na bumabagsak, sa palibot ng tolda ay doon nila kinakalap. Kinakain nila ito, nasisiyahan silang lahat, binibigyan sila ng Diyos ng pagkaing hinahangad. Ngunit habang kinakain ang pagkaing idinulot, at hindi pa tumitigil pagkat di pa nabubusog, pagkagalit sa nangyari, ipinakita ng Diyos, sa kanilang kabataan, parusa niya'y ibinuhos; ang mga malalakas at mga magagaling, buhay nila'y tinapos. Sa ganitong gawa ng Diyos, sunod-sunod na himala, ganti nila ay paglabag, hindi pa rin naniwala. Kaya't yaong pasya ng Diyos, ang araw ay wakasan na, bigla-biglang paratingin sa kanila ang parusa. Subalit noong sila ay lilipulin na ng Diyos, nagsisi ang karamiha't sa kanya'y nagbalik-loob. Noon nila nagunitang ang sanggalang nila'y ang Diyos, ang Kataas-taasang Diyos ay kanilang Manunubos. Kaya't siya ay pinuri, ng papuring hindi tapat, pagkat yao'y pakunwari't balatkayong matatawag. Sa kanilang mga puso, naghahari'y kataksilan, hindi sila naging tapat sa ginawa niyang tipan.

Mga Awit 78:1-37 Ang Salita ng Dios (ASND)

Mga kababayan, ang mga turo koʼy inyong pakinggan. Tuturuan ko kayo sa pamamagitan ng kasaysayan. Sasabihin ko sa inyo ang mga lihim na katotohanan ng nakaraan. Napakinggan na natin ito at nalaman. Sinabi ito sa atin ng ating mga ninuno. Huwag natin itong ilihim sa ating mga anak; sabihin din natin ito sa mga susunod na salinlahi. Sabihin natin sa kanila ang kapangyarihan ng PANGINOON at ang mga kahanga-hanga niyang gawa. Ibinigay niya ang kanyang mga kautusan sa mga mamamayan ng Israel na mula sa lahi ni Jacob. Iniutos niya sa ating mga ninuno na ituro ito sa kanilang mga anak, upang malaman din ito ng mga susunod na lahi at nang ituro rin nila ito sa kanilang mga anak. Sa ganitong paraan, magtitiwala sila sa Dios at hindi nila makakalimutan ang kanyang ginawa, at susundin nila ang kanyang mga utos, upang hindi sila maging katulad ng kanilang mga ninuno na matitigas ang ulo, suwail, hindi lubos ang pagtitiwala sa Dios, at hindi tapat sa kanya. Tulad ng mga taga-Efraim, bagamaʼt may mga pana sila, pero sa oras naman ng labanan ay nagsisipag-atrasan. Hindi nila sinunod ang kasunduan nila sa Dios, maging ang kanyang mga utos. Nakalimutan na nila ang mga kahanga-hanga niyang ginawa na ipinakita niya sa kanila. Gumawa ang Dios ng mga himala roon sa Zoan sa lupain ng Egipto at nakita ito ng ating mga ninuno. Hinawi niya ang dagat at pinadaan sila roon; ginawa niyang tila magkabilang pader ang tubig. Sa araw ay pinapatnubayan niya sila sa pamamagitan ng ulap, at sa gabi naman ay sa pamamagitan ng liwanag ng apoy. Biniyak niya ang mga bato sa ilang at dumaloy ang tubig at binigyan sila ng maraming inumin mula sa kailaliman ng lupa. Pinalabas niya ang tubig mula sa bato at ang tubig ay umagos gaya ng ilog. Ngunit ang ating mga ninuno ay patuloy na nagkasala sa kanya. Naghimagsik sila sa Kataas-taasang Dios doon sa ilang. Sinadya nilang subukin ang Dios upang hingin ang mga pagkaing gusto nila. Kinutya nila ang Dios nang sabihin nilang, “Makakapaghanda ba ang Dios ng pagkain dito sa ilang? Oo ngaʼt umagos ang tubig nang hampasin niya ang bato, ngunit makapagbibigay din ba siya ng tinapay at karne sa atin?” Kaya nang marinig ito ng PANGINOON nagalit siya sa kanila. Nag-apoy sa galit ang PANGINOON laban sa lahi ni Jacob, dahil wala silang pananampalataya sa kanya, at hindi sila nagtitiwala na ililigtas niya sila. Ganoon pa man, iniutos niyang bumukas ang langit, at pinaulanan sila ng pagkain na tinatawag na manna. Ibinigay ito sa kanila upang kainin. Kinain nila ang pagkain ng mga anghel, at binigyan sila nito ng Dios hanggaʼt gusto nila. Pinaihip niya ang hangin mula sa silangan at sa timog sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Pinaulanan din sila ng napakaraming ibon, na kasindami ng buhangin sa tabing-dagat. Pinadapo niya ang mga ito sa palibot ng kanilang mga tolda sa kampo. Kaya kumain sila hanggang sa mabusog, dahil ibinigay sa kanila ng Dios ang gusto nila. Ngunit habang kumakain sila at nagpapakabusog, nagalit ang Dios sa kanila. Pinatay niya ang makikisig na mga kabataan ng Israel. Sa kabila ng lahat ng ginawa ng Dios sa kanila, nagpatuloy pa rin sila sa pagkakasala. Kahit na gumawa siya ng mga himala, hindi pa rin sila naniwala. Kaya agad niyang winakasan ang buhay nila sa pamamagitan ng biglaang pagdating ng kapahamakan. Nang patayin ng Dios ang ilan sa kanila, ang mga natira ay lumapit na sa kanya, nagsisi at nagbalik-loob sa kanya. At naalala nila na ang Kataas-taasang Dios ang kanilang Bato na kanlungan at Tagapagligtas. Nagpuri sila sa kanya, ngunit sa bibig lang, kaya sinungaling sila. Hindi sila tapat sa kanya at sa kanilang kasunduan.

Mga Awit 78:1-37 Ang Biblia (TLAB)

Makinig kayo, Oh bayan ko, sa aking kautusan: ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa mga salita ng aking bibig. Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga; ako'y magsasalita ng mga malabong sabi ng una: Na aming narinig at naalaman, at isinaysay sa amin ng aming mga magulang. Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak, na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon, at ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa. Sapagka't siya'y nagtatag ng patotoo sa Jacob, at nagtakda ng kautusan sa Israel, na kaniyang iniutos sa aming mga magulang, na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak: Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak; na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak: Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios, at huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios, Kundi ingatan ang kaniyang mga utos: At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang, may matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi; isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso, at ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios, Ang mga anak ni Ephraim, gayong may sakbat at may dalang mga busog, at nagsitalikod sa kaarawan ng pagbabaka. Hindi nila tinupad ang tipan ng Dios, at nagsitangging magsilakad sa kaniyang kautusan; At kanilang kinalimutan ang kaniyang mga gawa, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ipinakita sa kanila. Mga kagilagilalas na mga bagay ay ginawa niya sa paningin ng kanilang mga magulang, sa lupain ng Egipto, sa parang ng Zoan. Hinawi niya ang dagat, at pinaraan niya sila; at kaniyang pinatayo ang tubig na parang bunton. Sa araw naman ay kaniyang pinatnubayan sila sa pamamagitan ng isang ulap, at buong gabi ay sa pamamagitan ng tanglaw na apoy. Kaniyang pinuwangan ang mga bato sa ilang, at pinainom niya sila ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman. Nagpabukal naman siya mula sa bato. At nagpababa ng tubig na parang mga ilog. Gayon ma'y nagkasala uli sila laban sa kaniya, upang manghimagsik laban sa Kataastaasan sa ilang. At kanilang tinukso ang Dios sa kanilang puso, sa paghingi ng pagkain sa kanilang pita. Oo, sila'y nagsalita laban sa Dios; kanilang sinabi, Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang? Narito, kaniyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubuluwak, at mga bukal ay nagsisiapaw; makapagbibigay ba siya ng tinapay naman? Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan? Kaya't narinig ng Panginoon, at napoot: at isang apoy ay nagalab laban sa Jacob, at galit naman ay napailanglang laban sa Israel; Sapagka't sila'y hindi nagsisampalataya sa Dios, at hindi nagsitiwala sa kaniyang pagliligtas. Gayon ma'y nagutos siya sa mga langit sa itaas, at binuksan ang mga pintuan ng langit; At pinaulanan niya sila ng mana upang makain. At binigyan sila ng trigo ng langit. Kumain ang tao ng tinapay ng makapangyarihan: pinadalhan niya sila ng pagkain hanggang sa nangabusog. Kaniyang pinahihip ang hanging silanganan sa mga langit: at sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ay pinatnubayan niya ang hanging timugan. Pinaulanan naman niya sila ng karne na parang alabok, at ng mga ibong parang buhangin sa mga dagat: At pinalagpak niya sa gitna ng kanilang kampamento, sa palibot ng kanilang mga tahanan. Sa gayo'y nagsikain sila, at nangabusog na mabuti; at ibinigay niya sa kanila ang kanilang pita. Hindi sila nagsihiwalay sa kanilang pita, ang kanilang pagkain ay nasa kanila pang mga bibig, Nang ang galit ng Dios ay paitaas laban sa kanila, at pumatay sa mga pinakamataba sa kanila, at sinaktan ang mga binata sa Israel. Sa lahat ng ito ay nangagkasala pa sila, at hindi naniwala sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa. Kaya't kaniyang pinaram ang kanilang mga kaarawan sa walang kabuluhan, at ang kanilang mga taon ay sa mga kakilabutan. Nang kaniyang patayin sila, sila'y nangagusisa sa kaniya: at sila'y nagsibalik, at nagsihanap ng tapat sa Dios. At kanilang naalaala na ang Dios ay kanilang malaking bato, at ang Kataastaasang Dios ay kanilang manunubos. Nguni't tinutuya nila siya ng kanilang bibig, at pinagbubulaanan nila siya ng kanilang dila. Sapagka't ang kanilang puso ay hindi matuwid sa kaniya, ni tapat man sila sa kaniyang tipan.

Mga Awit 78:1-37 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Kayo ngayon ay makinig sa turo ko, mga anak, inyong dinggi't ulinigin, salita kong binibigkas. Itong aking sasabihin ay bagay na talinhaga, nangyari pa noong una, kaya ito'y mahiwaga. Ito'y aming narinig na, kaya naman aming alam, nagbuhat sa aming nuno na sa ami'y isinaysay. Sa sarili naming anak ito'y hindi ililihim, ito'y aming isasaysay sa sunod na lahi namin; mga gawang tinutukoy ay lubhang kahanga-hanga na si Yahweh ang gumanap, mga gawa niyang dakila. Mayro'n siyang patotoo na kay Jacob itinatag, mayro'n siyang kautusang sa Israel iniatas; ang utos sa ating nuno, dapat nilang ipatupad, ituturong lagi ito, sa kanilang mga anak. Sa lahat ng lahi nila ito'y dapat na iaral, at ang angkang susunod pa ay marapat na turuan. Sa ganito, masusunod nilang lagi yaong utos, ang matatag na pag-asa'y ilalagak nila sa Diyos, at ang dakila niyang gawa'y hindi nila malilimot. Sa kanilang mga nuno, hindi dapat na pumaris, na matigas ang damdaming sa Diyos ay naghimagsik; isang lahing di marunong magtiwala at magtiis, ang pag-asa ay marupok at kulang ang pananalig. Tulad ng Efraimita, mga pana ang sandata, sa panahon ng labana'y nagsitakas pa rin sila. Ang tipan sa Panginoo'y hindi nila sinusunod, hindi sila lumalakad nang ayon sa mga utos. Nakalimutan na nila ang lahat ng kabutihan, mga gawa ng ating Diyos na kanilang hinangaan. Ang lahat ng gawang ito, noong una'y nasaksihan, ang nangyari sa Egipto, sa lupain nitong Zoan, hinawi niya yaong dagat, doon sila pinaraan, ang tubig sa magkabila'y parang pader kung pagmasdan. Kapag araw, sa paglakad naging gabay nila'y ulap, at kung gabi naman, tanglaw ay apoy na maliwanag. May tubig na iniinom kahit sila nasa ilang, sa batuha'y umaagos na likas sa kalaliman. Mula roon sa batuhan, ang tubig ay umaagos, daloy nito kung pagmasdan, katulad ay isang ilog. Ngunit sila'y patuloy rin sa kanilang kasalanan, sinusuway nila ang Diyos habang sila'y nasa ilang. Sadya nilang sinusubok, ginagalit nila ang Diyos; ang hiningi ay pagkaing gustung-gusto nilang lubos. Kinalaban nila ang Diyos nang sabihin ang ganito: “Sa gitna ba nitong ilang mabubusog niya tayo? Nang hampasin yaong bato, oo't tubig ay bumukal, dumaloy ang mga batis, tubig doon ay umapaw; ngunit ito yaong tanong, tayo kaya'y mabibigyan ng tinapay na masarap at ng karneng kailangan?” Nang marinig ang ganito, si Yahweh nama'y nag-init, sa hinirang niyang bansa'y nag-apoy ang kanyang galit. Pagkat sila ay ayaw nang sa Diyos ay magtiwala, sa pangakong pagliligtas ay ayaw nang maniwala. Gayon pa man, itong Diyos nag-utos sa kalangitan, at ang mga pinto nito'y agad-agad na nabuksan. Bunga nito, ang pagkai'y bumuhos na parang ulan, ang pagkain nilang manna, sa kanila'y ibinigay. Ang kaloob na pagkai'y pagkain ng mga anghel, hindi sila nagkukulang, masagana kung dumating. Yaong ihip ng amihan, ay siya rin ang nag-utos, sa taglay na lakas niya'y dumating ang hanging timog. Ang pagkain nilang karne'y masaganang dumarating, makapal na mga ibon na sindami ng buhangin. Sa gitna ng kampo nila ay doon na bumabagsak, sa palibot ng tolda ay doon nila kinakalap. Kinakain nila ito, nasisiyahan silang lahat, binibigyan sila ng Diyos ng pagkaing hinahangad. Ngunit habang kinakain ang pagkaing idinulot, at hindi pa tumitigil pagkat di pa nabubusog, pagkagalit sa nangyari, ipinakita ng Diyos, sa kanilang kabataan, parusa niya'y ibinuhos; ang mga malalakas at mga magagaling, buhay nila'y tinapos. Sa ganitong gawa ng Diyos, sunod-sunod na himala, ganti nila ay paglabag, hindi pa rin naniwala. Kaya't yaong pasya ng Diyos, ang araw ay wakasan na, bigla-biglang paratingin sa kanila ang parusa. Subalit noong sila ay lilipulin na ng Diyos, nagsisi ang karamiha't sa kanya'y nagbalik-loob. Noon nila nagunitang ang sanggalang nila'y ang Diyos, ang Kataas-taasang Diyos ay kanilang Manunubos. Kaya't siya ay pinuri, ng papuring hindi tapat, pagkat yao'y pakunwari't balatkayong matatawag. Sa kanilang mga puso, naghahari'y kataksilan, hindi sila naging tapat sa ginawa niyang tipan.

Mga Awit 78:1-37 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Makinig kayo, Oh bayan ko, sa aking kautusan: Ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa mga salita ng aking bibig. Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga; Ako'y magsasalita ng mga malabong sabi ng una: Na aming narinig at naalaman, At isinaysay sa amin ng aming mga magulang. Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak, Na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon, At ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa. Sapagka't siya'y nagtatag ng patotoo sa Jacob, At nagtakda ng kautusan sa Israel, Na kaniyang iniutos sa aming mga magulang, Na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak: Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak; Na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak: Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios, At huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios, Kundi ingatan ang kaniyang mga utos: At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang, May matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi; Isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso, At ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios, Ang mga anak ni Ephraim, gayong may sakbat at may dalang mga busog, At nagsitalikod sa kaarawan ng pagbabaka. Hindi nila tinupad ang tipan ng Dios, At nagsitangging magsilakad sa kaniyang kautusan; At kanilang kinalimutan ang kaniyang mga gawa, At ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ipinakita sa kanila. Mga kagilagilalas na mga bagay ay ginawa niya sa paningin ng kanilang mga magulang, Sa lupain ng Egipto, sa parang ng Zoan. Hinawi niya ang dagat, at pinaraan niya sila; At kaniyang pinatayo ang tubig na parang bunton. Sa araw naman ay kaniyang pinatnubayan sila sa pamamagitan ng isang ulap, At buong gabi ay sa pamamagitan ng tanglaw na apoy. Kaniyang pinuwangan ang mga bato sa ilang, At pinainom niya sila ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman. Nagpabukal naman siya mula sa bato. At nagpababa ng tubig na parang mga ilog. Gayon ma'y nagkasala uli sila laban sa kaniya, Upang manghimagsik laban sa Kataastaasan sa ilang. At kanilang tinukso ang Dios sa kanilang puso, Sa paghingi ng pagkain sa kanilang pita. Oo, sila'y nagsalita laban sa Dios; Kanilang sinabi, Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang? Narito, kaniyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubuluwak, At mga bukal ay nagsisiapaw; Makapagbibigay ba siya ng tinapay naman? Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan? Kaya't narinig ng Panginoon, at napoot: At isang apoy ay nagalab laban sa Jacob, At galit naman ay napailanglang laban sa Israel; Sapagka't sila'y hindi nagsisampalataya sa Dios, At hindi nagsitiwala sa kaniyang pagliligtas. Gayon ma'y nagutos siya sa mga langit sa itaas, At binuksan ang mga pintuan ng langit; At pinaulanan niya sila ng mana upang makain. At binigyan sila ng trigo ng langit. Kumain ang tao ng tinapay ng makapangyarihan: Pinadalhan niya sila ng pagkain Hanggang sa nangabusog. Kaniyang pinahihip ang hanging silanganan sa mga langit: At sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ay pinatnubayan niya ang hanging timugan. Pinaulanan naman niya sila ng karne na parang alabok, At ng mga ibong parang buhangin sa mga dagat: At pinalagpak niya sa gitna ng kanilang kampamento, Sa palibot ng kanilang mga tahanan. Sa gayo'y nagsikain sila, at nangabusog na mabuti; At ibinigay niya sa kanila ang kanilang pita. Hindi sila nagsihiwalay sa kanilang pita, Ang kanilang pagkain ay nasa kanila pang mga bibig, Nang ang galit ng Dios ay paitaas laban sa kanila, At pumatay sa mga pinakamataba sa kanila, At sinaktan ang mga binata sa Israel. Sa lahat ng ito ay nangagkasala pa sila, At hindi naniwala sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa. Kaya't kaniyang pinaram ang kanilang mga kaarawan sa walang kabuluhan, At ang kanilang mga taon ay sa mga kakilabutan. Nang kaniyang patayin sila, sila'y nangagusisa sa kaniya: at sila'y nagsibalik, at nagsihanap ng tapat sa Dios. At kanilang naalaala na ang Dios ay kanilang malaking bato, At ang Kataastaasang Dios ay kanilang manunubos. Nguni't tinutuya nila siya ng kanilang bibig, At pinagbubulaanan nila siya ng kanilang dila. Sapagka't ang kanilang puso ay hindi matuwid sa kaniya, Ni tapat man sila sa kaniyang tipan.