Mga Awit 77:19-20
Mga Awit 77:19-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang landas mong dinaraana'y malawak na karagatan, ang daan mong tinatahak ay dagat na kalawakan; ngunit walang makakita ng bakas mong iniiwan. Ikaw, O Diyos, ang nanguna sa bayan mong parang kawan, si Moises at si Aaron yaong iyong naging kamay!
Mga Awit 77:19-20 Ang Salita ng Dios (ASND)
Tinawid nʼyo ang karagatang may malalaking alon, ngunit kahit mga bakas ng paa nʼyo ay hindi nakita. Sa pamamagitan nina Moises at Aaron, pinatnubayan nʼyo ang inyong mga mamamayan na parang mga tupa.
Mga Awit 77:19-20 Ang Biblia (TLAB)
Ang daan mo'y nasa dagat, at ang mga landas mo'y nasa malalawak na tubig, at ang bakas mo'y hindi nakilala. Iyong pinapatnubayan ang iyong bayan na parang kawan, sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron.
Mga Awit 77:19-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)