Mga Awit 77:12-15
Mga Awit 77:12-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa lahat ng ginawa mo, ako'y magbubulay-bulay, magbubulay-bulay ako, sa diwa ko at isipan. Ang daan mo, Panginoon, ay tunay na daang banal, at wala nang ibang diyos na sa iyo'y ipapantay. Ikaw ang Diyos na ang gawa'y tunay na kahanga-hanga, iyang kadakilaan mo'y nahayag na sa nilikha. Dahilan sa iyong lakas, mga hirang mo'y natubos, ang lahat ng mga angkan ni Jose at ni Jacob. (Selah)
Mga Awit 77:12-15 Ang Salita ng Dios (ASND)
Iisipin ko at pagbubulay-bulayan ang lahat ng inyong mga dakilang gawa. O Dios, ibang-iba ang inyong mga pamamaraan. Wala nang ibang Dios na kasindakila ninyo. Kayo ang Dios na gumagawa ng mga himala. Ipinapakita nʼyo sa mga tao ang inyong kapangyarihan. Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan iniligtas nʼyo ang inyong mga mamamayan na mula sa lahi nina Jacob at Jose.
Mga Awit 77:12-15 Ang Biblia (TLAB)
Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa, at magmumuni tungkol sa iyong mga gawa. Ang iyong daan, Oh Dios, ay nasa santuario: sino ang dakilang dios na gaya ng Dios? Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas: iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao. Iyong tinubos ng kamay mo ang iyong bayan, ang mga anak ng Jacob at ng Jose. (Selah)
Mga Awit 77:12-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa lahat ng ginawa mo, ako'y magbubulay-bulay, magbubulay-bulay ako, sa diwa ko at isipan. Ang daan mo, Panginoon, ay tunay na daang banal, at wala nang ibang diyos na sa iyo'y ipapantay. Ikaw ang Diyos na ang gawa'y tunay na kahanga-hanga, iyang kadakilaan mo'y nahayag na sa nilikha. Dahilan sa iyong lakas, mga hirang mo'y natubos, ang lahat ng mga angkan ni Jose at ni Jacob. (Selah)
Mga Awit 77:12-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa, At magmumuni tungkol sa iyong mga gawa. Ang iyong daan, Oh Dios, ay nasa santuario: Sino ang dakilang dios na gaya ng Dios? Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas: Iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao. Iyong tinubos ng kamay mo ang iyong bayan, Ang mga anak ng Jacob at ng Jose. (Selah)