Mga Awit 77:11-14
Mga Awit 77:11-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya aking babalikang gunitain ang ginawa, ang maraming ginawa mong tunay na kahanga-hanga. Sa lahat ng ginawa mo, ako'y magbubulay-bulay, magbubulay-bulay ako, sa diwa ko at isipan. Ang daan mo, Panginoon, ay tunay na daang banal, at wala nang ibang diyos na sa iyo'y ipapantay. Ikaw ang Diyos na ang gawa'y tunay na kahanga-hanga, iyang kadakilaan mo'y nahayag na sa nilikha.
Mga Awit 77:11-14 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON, aalalahanin ko ang inyong mga gawa. Gugunitain ko ang mga himalang ginawa nʼyo noon. Iisipin ko at pagbubulay-bulayan ang lahat ng inyong mga dakilang gawa. O Dios, ibang-iba ang inyong mga pamamaraan. Wala nang ibang Dios na kasindakila ninyo. Kayo ang Dios na gumagawa ng mga himala. Ipinapakita nʼyo sa mga tao ang inyong kapangyarihan.
Mga Awit 77:11-14 Ang Biblia (TLAB)
Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon; sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una. Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa, at magmumuni tungkol sa iyong mga gawa. Ang iyong daan, Oh Dios, ay nasa santuario: sino ang dakilang dios na gaya ng Dios? Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas: iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao.
Mga Awit 77:11-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya aking babalikang gunitain ang ginawa, ang maraming ginawa mong tunay na kahanga-hanga. Sa lahat ng ginawa mo, ako'y magbubulay-bulay, magbubulay-bulay ako, sa diwa ko at isipan. Ang daan mo, Panginoon, ay tunay na daang banal, at wala nang ibang diyos na sa iyo'y ipapantay. Ikaw ang Diyos na ang gawa'y tunay na kahanga-hanga, iyang kadakilaan mo'y nahayag na sa nilikha.
Mga Awit 77:11-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon; Sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una. Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa, At magmumuni tungkol sa iyong mga gawa. Ang iyong daan, Oh Dios, ay nasa santuario: Sino ang dakilang dios na gaya ng Dios? Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas: Iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao.