Mga Awit 73:24-26
Mga Awit 73:24-26 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang mga payo mo'y umakay sa akin, marangal na ako'y iyong tatanggapin. Sino pa sa langit, kundi ikaw lamang, at maging sa lupa'y, aking kailangan? Puso ko't kaluluwa kung nanghihina man, ang Diyos ang lakas kong tanging kailangan.
Mga Awit 73:24-26 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ang inyong mga payo ang nagsisilbing gabay ko, at akoʼy dadalhin ninyo sa marangal na hantungan. Walang sinuman sa langit ang kailangan ko kundi kayo lamang. At walang anuman sa mundo ang hinahangad ko maliban sa inyo. Manghina man ang aking katawan at isipan, kayo, O Diyos, ang aking kalakasan. Kayo lang ang kailangan ko magpakailanman.
Mga Awit 73:24-26 Ang Biblia (TLAB)
Iyong papatnubayan ako ng iyong payo, at pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian. Sinong kumakasi sa akin sa langit kundi ikaw? At walang ninanasa ako sa lupa liban sa iyo. Ang aking laman at ang aking puso ay nanglulupaypay: nguni't ang Dios ay kalakasan ng aking puso, at bahagi ko magpakailan man.
Mga Awit 73:24-26 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang mga payo mo'y umakay sa akin, marangal na ako'y iyong tatanggapin. Sino pa sa langit, kundi ikaw lamang, at maging sa lupa'y, aking kailangan? Puso ko't kaluluwa kung nanghihina man, ang Diyos ang lakas kong tanging kailangan.
Mga Awit 73:24-26 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Iyong papatnubayan ako ng iyong payo, At pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian. Sinong kumakasi sa akin sa langit kundi ikaw? At walang ninanasa ako sa lupa liban sa iyo. Ang aking laman at ang aking puso ay nanglulupaypay: Nguni't ang Dios ay kalakasan ng aking puso, at bahagi ko magpakailan man.