Mga Awit 7:1-17
Mga Awit 7:1-17 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
O Yahweh, aking Diyos, sa iyo ako lumalapit, iligtas mo ako sa mga taong sa aki'y tumutugis, kundi, sila'y parang leon na lalapa sa akin kung walang magliligtas, ako nga ay papatayin. O Yahweh, aking Diyos, kung ako ma'y nagkasala, at kung aking mga kamay ay puminsala sa iba, kung ako ay naging taksil sa tapat kong kaibigan, kung ako po'y naminsala o nang-api ng kaaway, payag akong hulihin, patayin kung kailangan, iwan akong walang buhay at sa lupa'y mahandusay. (Selah) O Yahweh, bumangon ka, puksain mo ang kaaway, ako'y iyong ipagtanggol sa malupit nilang kamay! Gumising ka't sagipin mo, ako ngayon ay tulungan, dahil ang hangad mo'y maghari ang katarungan. Tipunin mo sa iyong piling ang lahat ng mga bansa, at mula sa trono sa kaitaasan, ikaw Yahweh ang mamahala. Sa lahat ng mga bayan ikaw ang hukom na dakila, humatol ka sa panig ko sapagkat ako'y taong tapat. Ikaw ay isang Diyos na matuwid, batid mo ang aming damdamin at pag-iisip; sugpuin mo ang gawain ng masasama, at ang mabubuti'y bigyan mo ng gantimpala. Ang Diyos ang aking sanggalang; inililigtas niya ang may pusong makatarungan. Ang Diyos ay isang hukom na makatarungan, at nagpaparusa sa masama sa bawat araw. Kung di sila magbabago sa masasama nilang gawa, ang tabak ng Diyos ay kanyang ihahasa; pati ang kanyang pana ay kanyang ihahanda. Mga pamatay na sandata ay kanyang itatakda, kanya ring iuumang ang mga palasong nagbabaga. Pagmasdan mo ang masama, sa baluktot niyang isip, ipinaglilihi niya ang kalokohan at ipinanganganak niya ang kasamaan. Humuhukay nang patibong para sa ibang tao, subalit siya rin mismo ang nahuhulog dito. Siya rin ang may gawa sa parusang tinatanggap, sa sariling karahasan, siya ngayo'y naghihirap. Pasasalamatan ko si Yahweh sa kanyang katarungan, aawitan ko ng papuri ang Kataas-taasan niyang ngalan.

Mga Awit 7:1-17 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON kong Dios, nanganganlong ako sa inyo. Iligtas nʼyo ako sa mga umuusig sa akin. Baka patayin nila ako, katulad ng pagluray ng leon sa kanyang mga biktima, kung walang magliligtas sa akin. PANGINOON kong Dios, kung talagang ginawa ko ang mga kasalanang ito – kung ginantihan ko nga ng masama ang ginawang mabuti ng aking kaibigan, o kung sinamsam ko ang mga ari-arian ng aking mga kaaway nang walang dahilan, hayaan nʼyong usigin ako ng aking mga kaaway at talunin. Hayaan nʼyong tapakan nila ako hanggang sa mamatay, at pabayaan sa lupa ang aking bangkay. Sige na po, O PANGINOON kong Dios, ipakita nʼyo ang inyong galit sa aking mga kaaway, dahil nais nʼyo rin ang katarungan. Tipunin nʼyo ang lahat ng bansa sa palibot nʼyo, at pamahalaan nʼyo sila mula sa langit. Kayo PANGINOON ang humahatol sa lahat ng tao. Patunayan nʼyo sa kanila na mali ang kanilang mga paratang laban sa akin, dahil alam nʼyo na akoʼy matuwid, at namumuhay nang wasto. Pigilan nʼyo ang kasamaang ginagawa ng mga tao, at pagpalain nʼyo ang mga matuwid, dahil kayo ay Dios na matuwid, at sinisiyasat nʼyo ang aming mga pusoʼt isipan. Kayo, O Dios, ang nag-iingat sa akin. Inililigtas nʼyo ang mga namumuhay nang matuwid. Kayo ang matuwid na hukom, at sa araw-araw ay ipinapakita nʼyo ang inyong galit sa masasama. Kung ayaw nilang magsisi sa kanilang mga kasalanan, ikaw namaʼy nakahandang silaʼy parusahan. Katulad nʼyo ay isang sundalong nakahanda na ang mga nakamamatay na sandata. Nahasa na niya ang kanyang espada, at nakaumang na ang palasong nagbabaga. Mapag-isip sila ng gulo at kasamaan, kaya nakakapanloko sila ng kapwa. Pero sila mismo ang mapapahamak sa kanilang binabalak na panggugulo at karahasan. Ang katulad nila ay humuhukay ng bitag para mahulog ang iba, pero sila rin ang mahuhulog sa hinukay nila. Pinasasalamatan ko kayo PANGINOON, dahil matuwid kayo. Aawitan ko kayo ng mga papuri, Kataas-taasang Dios.
Mga Awit 7:1-17 Ang Biblia (TLAB)
Oh Panginoon kong Dios, sa iyo nanganganlong ako. Iligtas mo ako sa lahat na nagsisihabol sa akin, at palayain mo ako: Baka lurayin nila na gaya ng leon ang aking kaluluwa, na lurayin ito, habang walang magligtas. Oh Panginoon kong Dios, kung ginawa ko ito; kung may kasamaan sa aking mga kamay; Kung ako'y gumanti ng kasamaan sa kaniya na may kapayapaan sa akin; (Oo, aking pinawalan siya, na walang anomang kadahilanan ay naging aking kaaway:) Habulin ng kaaway ang aking kaluluwa, at abutan; Oo, yapakan niya ang aking kaluluwa sa lupa, at ilagay ang aking kaluwalhatian sa alabok. (Selah) Ikaw ay bumangon, Oh Panginoon, sa iyong galit, magpakataas ka laban sa poot ng aking mga kaaway; at gumising ka dahil sa akin; ikaw ay nagutos ng kahatulan. At ligirin ka ng kapisanan ng mga bayan sa palibot: at sila'y pihitan mong nasa mataas ka. Ang panginoo'y nangangasiwa ng kahatulan sa mga bayan: iyong hatulan ako, Oh Panginoon, ayon sa aking katuwiran, at sa aking pagtatapat na nasa akin. Oh wakasan ang kasamaan ng masama, nguni't itatag mo ang matuwid; sapagka't sinubok ng matuwid na Dios ang mga pagiisip at ang mga puso. Ang aking kalasag ay sa Dios. na nagliligtas ng matuwid sa puso. Ang Dios ay matuwid na hukom, Oo, Dios na may galit araw-araw. Kung ang tao ay hindi magbalik-loob, kaniyang ihahasa ang kaniyang tabak; kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at inihanda. Inihanda rin naman niya ang mga kasangkapan ng kamatayan; kaniyang pinapagniningas ang kaniyang mga pana. Narito, siya'y nagdaramdam ng kasamaan; Oo, siya'y naglihi ng kasamaan, at nanganak ng kabulaanan. Siya'y gumawa ng balon, at hinukay, at nahulog sa hukay na kaniyang ginawa. Ang kaniyang gawang masama ay magbabalik sa kaniyang sariling ulo, at ang kaniyang pangdadahas ay babagsak sa kaniyang sariling bunbunan. Ako'y magpapasalamat sa Panginoon, ayon sa kaniyang katuwiran: at aawit ng pagpupuri sa pangalan ng Panginoon na Kataastaasan.
Mga Awit 7:1-17 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
O Yahweh, aking Diyos, sa iyo ako lumalapit, iligtas mo ako sa mga taong sa aki'y tumutugis, kundi, sila'y parang leon na lalapa sa akin kung walang magliligtas, ako nga ay papatayin. O Yahweh, aking Diyos, kung ako ma'y nagkasala, at kung aking mga kamay ay puminsala sa iba, kung ako ay naging taksil sa tapat kong kaibigan, kung ako po'y naminsala o nang-api ng kaaway, payag akong hulihin, patayin kung kailangan, iwan akong walang buhay at sa lupa'y mahandusay. (Selah) O Yahweh, bumangon ka, puksain mo ang kaaway, ako'y iyong ipagtanggol sa malupit nilang kamay! Gumising ka't sagipin mo, ako ngayon ay tulungan, dahil ang hangad mo'y maghari ang katarungan. Tipunin mo sa iyong piling ang lahat ng mga bansa, at mula sa trono sa kaitaasan, ikaw Yahweh ang mamahala. Sa lahat ng mga bayan ikaw ang hukom na dakila, humatol ka sa panig ko sapagkat ako'y taong tapat. Ikaw ay isang Diyos na matuwid, batid mo ang aming damdamin at pag-iisip; sugpuin mo ang gawain ng masasama, at ang mabubuti'y bigyan mo ng gantimpala. Ang Diyos ang aking sanggalang; inililigtas niya ang may pusong makatarungan. Ang Diyos ay isang hukom na makatarungan, at nagpaparusa sa masama sa bawat araw. Kung di sila magbabago sa masasama nilang gawa, ang tabak ng Diyos ay kanyang ihahasa; pati ang kanyang pana ay kanyang ihahanda. Mga pamatay na sandata ay kanyang itatakda, kanya ring iuumang ang mga palasong nagbabaga. Pagmasdan mo ang masama, sa baluktot niyang isip, ipinaglilihi niya ang kalokohan at ipinanganganak niya ang kasamaan. Humuhukay nang patibong para sa ibang tao, subalit siya rin mismo ang nahuhulog dito. Siya rin ang may gawa sa parusang tinatanggap, sa sariling karahasan, siya ngayo'y naghihirap. Pasasalamatan ko si Yahweh sa kanyang katarungan, aawitan ko ng papuri ang Kataas-taasan niyang ngalan.
Mga Awit 7:1-17 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Oh Panginoon kong Dios, sa iyo nanganganlong ako. Iligtas mo ako sa lahat na nagsisihabol sa akin, at palayain mo ako: Baka lurayin nila na gaya ng leon ang aking kaluluwa, Na lurayin ito, habang walang magligtas. Oh Panginoon kong Dios, kung ginawa ko ito; Kung may kasamaan sa aking mga kamay; Kung ako'y gumanti ng kasamaan sa kaniya na may kapayapaan sa akin; (Oo, aking pinawalan siya, na walang anomang kadahilanan ay naging aking kaaway:) Habulin ng kaaway ang aking kaluluwa, at abutan; Oo, yapakan niya ang aking kaluluwa sa lupa, At ilagay ang aking kaluwalhatian sa alabok. (Selah) Ikaw ay bumangon, Oh Panginoon, sa iyong galit, Magpakataas ka laban sa poot ng aking mga kaaway; At gumising ka dahil sa akin; ikaw ay nagutos ng kahatulan. At ligirin ka ng kapisanan ng mga bayan sa palibot: At sila'y pihitan mong nasa mataas ka. Ang panginoo'y nangangasiwa ng kahatulan sa mga bayan: Iyong hatulan ako, Oh Panginoon, ayon sa aking katuwiran, at sa aking pagtatapat na nasa akin. Oh wakasan ang kasamaan ng masama, ngunit itatag mo ang matuwid; Sapagka't sinubok ng matuwid na Dios ang mga pagiisip at ang mga puso. Ang aking kalasag ay sa Dios. Na nagliligtas ng matuwid sa puso. Ang Dios ay matuwid na hukom, Oo, Dios na may galit araw-araw. Kung ang tao ay hindi magbalik-loob, kaniyang ihahasa ang kaniyang tabak; Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at inihanda. Inihanda rin naman niya ang mga kasangkapan ng kamatayan; Kaniyang pinapagniningas ang kaniyang mga pana. Narito, siya'y nagdaramdam ng kasamaan; Oo, siya'y naglihi ng kasamaan, at nanganak ng kabulaanan. Siya'y gumawa ng balon, at hinukay, At nahulog sa hukay na kaniyang ginawa. Ang kaniyang gawang masama ay magbabalik sa kaniyang sariling ulo, At ang kaniyang pangdadahas ay babagsak sa kaniyang sariling bunbunan. Ako'y magpapasalamat sa Panginoon, ayon sa kaniyang katuwiran: At aawit ng pagpupuri sa pangalan ng Panginoon na Kataastaasan.