Mga Awit 62:1-3
Mga Awit 62:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sa Dios lang ako may kapahingahan; ang kaligtasan koʼy nagmumula sa kanya. Siya lang ang aking batong kanlungan at kaligtasan. Siya ang aking tanggulan, kaya ligtas ako sa kapahamakan. Kayong mga kaaway ko, hanggang kailan kayo sasalakay upang akoʼy patayin? Tulad koʼy pader na malapit nang magiba at bakod na malapit nang matumba.
Mga Awit 62:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sa Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa: Sa kaniya galing ang aking kaligtasan. Siya lamang ang aking kanlungan at aking kaligtasan: Siya ang aking matayog na moog; hindi ako lubhang makikilos. Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao. Upang patayin siya ninyong lahat, Na gaya ng pader na tumagilid, o bakod na nabubuwal?
Mga Awit 62:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tanging sa Diyos lamang ako ay aasa; ang kaligtasa'y nagbubuhat sa kanya. Tanging siya lamang ang tagapagligtas, tagapagtanggol ko at aking kalasag; akin ang tagumpay sa lahat ng oras! Hanggang kailan ba ninyo lulupigin ang sinuman na nais ninyong patayin? Tulad ng isang pader siya'y ibagsak gaya ng bakod siya'y mawawasak.
Mga Awit 62:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Sa Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa: sa kaniya galing ang aking kaligtasan. Siya lamang ang aking kanlungan at aking kaligtasan: siya ang aking matayog na moog; hindi ako lubhang makikilos. Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao. Upang patayin siya ninyong lahat, na gaya ng pader na tumagilid, o bakod na nabubuwal?
Mga Awit 62:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)