Mga Awit 6:6-8
Mga Awit 6:6-8 Ang Salita ng Dios (ASND)
Akoʼy pagod na sa sobrang pagdaing. Gabi-gabiʼy basa ng luha ang aking unan, dahil sa labis na pag-iyak. Ang aking mga mataʼy namumugto na sa kaiiyak, dahil sa ginagawa ng lahat kong mga kaaway. Lumayo kayo sa akin, kayong gumagawa ng kasamaan, dahil narinig ng PANGINOON ang aking pag-iyak.
Mga Awit 6:6-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ako'y pagal ng aking pagdaing; Gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan; Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha. Ang aking mga mata ay nangamumugto dahil sa kapanglawan; Tumatanda ako dahil sa aking lahat na kaaway. Magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kasamaan: Sapagka't narinig ng Panginoon ang tinig ng aking pagtangis.
Mga Awit 6:6-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pinanghihina ako nitong aking karamdaman; gabi-gabi'y basa sa luha itong aking higaan, binabaha na sa kaiiyak itong aking tulugan. Mata ko'y namamaga dahil sa aking pagluha, halos di na makakita, mga kaaway ko ang may gawa. Kayong masasama, ako'y inyong layuan, pagkat dininig ni Yahweh ang aking karaingan.
Mga Awit 6:6-8 Ang Biblia (TLAB)
Ako'y pagal ng aking pagdaing; gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan; Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha. Ang aking mga mata ay nangamumugto dahil sa kapanglawan; tumatanda ako dahil sa aking lahat na kaaway. Magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kasamaan: sapagka't narinig ng Panginoon ang tinig ng aking pagtangis.
Mga Awit 6:6-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)