Mga Awit 53:1-3
Mga Awit 53:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi ng hangal sa kanyang sarili, “Wala namang Diyos!” Wala nang matuwid lahat nang gawain nila'y pawang buktot. Magmula sa langit ang Diyos nagmamasid sa kanyang nilalang, kung mayro'ng marunong at tapat sa kanya na nananambahan. Ngunit kahit isa ni isang mabuti ay walang nakita, lahat ay lumayo at naging masama, lahat sa kanila.
Mga Awit 53:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Walang Dios!” Iyan ang sinasabi ng mga hangal sa kanilang sarili. Masasama sila at kasuklam-suklam ang kanilang mga gawa. Ni isa ay walang gumagawa ng mabuti. Mula sa langit, tinitingnan ng Dios ang lahat ng tao, kung may nakakaunawa ng katotohanan at naghahanap sa kanya. Ngunit ang lahat ay naligaw ng landas at pare-parehong nabulok ang pagkatao. Wala kahit isa man ang gumagawa ng mabuti.
Mga Awit 53:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya, Walang Dios. Nangapahamak sila, at nagsigawa ng kasuklamsuklam na kasamaan; walang gumawa ng mabuti. Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit, upang tignan kung may sinomang nakakaunawa, na humanap sa Dios. Bawa't isa sa kanila ay tumalikod: sila'y magkakasamang naging mahahalay; walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
Mga Awit 53:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi ng hangal sa kanyang sarili, “Wala namang Diyos!” Wala nang matuwid lahat nang gawain nila'y pawang buktot. Magmula sa langit ang Diyos nagmamasid sa kanyang nilalang, kung mayro'ng marunong at tapat sa kanya na nananambahan. Ngunit kahit isa ni isang mabuti ay walang nakita, lahat ay lumayo at naging masama, lahat sa kanila.
Mga Awit 53:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya, Walang Dios. Nangapahamak sila, at nagsigawa ng kasuklamsuklam na kasamaan; Walang gumawa ng mabuti. Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit, Upang tignan kung may sinomang nakakaunawa, Na humanap sa Dios. Bawa't isa sa kanila ay tumalikod: sila'y magkakasamang naging mahahalay; Walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.