Mga Awit 51:10-19
Mga Awit 51:10-19 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. Sa iyong harapa'y huwag akong alisin; iyong banal na Espiritu'y paghariin. Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas, ibalik at ako po'y gawin mong tapat. Kung magkagayon na, aking tuturuang sa iyo lumapit ang makasalanan. Ingatan mo ako, Tagapagligtas ko at aking ihahayag ang pagliligtas mo. Tulungan mo akong makapagsalita, at pupurihin ka sa gitna ng madla. Hindi mo na nais ang mga handog; di ka nalulugod, sa haing sinunog; ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat ay ang pakumbabá't pusong mapagtapat. Iyong kahabagan, O Diyos, ang Zion; at ang Jerusalem ay muling ibangon. At kung magkagayon, ang handog na haing dala sa dambana, torong susunugin, malugod na ito'y iyong tatanggapin.
Mga Awit 51:10-19 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ilikha nʼyo ako ng busilak na puso, O Dios, at bigyan ako ng bagong espiritu na matapat. Huwag po akong itaboy palayo sa inyong piling, at ang inyong Banal na Espiritu sa akin ay huwag nʼyo po sanang bawiin. Sanaʼy ibalik sa akin ang kagalakang naramdaman ko noong iniligtas nʼyo ako, at bigyan nawa ako ng masunuring espiritu. At tuturuan ko ang mga makasalanan ng inyong mga pamamaraan upang manumbalik sila sa inyo. Patawarin nʼyo ako sa kasalanan kong pagpatay, O Dios na aking Tagapagligtas. At sisigaw ako sa kagalakan dahil sa inyong pagliligtas. Panginoon, buksan nʼyo po ang aking labi, nang ang mga itoʼy magpuri sa inyo. Hindi naman mga handog ang nais nʼyo; mag-alay man ako ng mga handog na sinusunog, hindi rin kayo malulugod. Ang handog na nakalulugod sa inyo ay pusong nagpapakumbaba at nagsisisi sa kanyang kasalanan. Ito ang handog na hindi nʼyo tatanggihan. Dahil sa kagustuhan nʼyo, pagpalain nʼyo ang Jerusalem. Muli nʼyong itayo ang mga pader nito. Nang sa gayon malugod kayo sa mga nararapat na handog, pati sa mga handog na sinusunog ng buo. At maghahandog din sila ng mga baka sa inyong altar.
Mga Awit 51:10-19 Ang Biblia (TLAB)
Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; at magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko. Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin. Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: at alalayan ako ng kusang espiritu. Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga lakad; at ang mga makasalanan ay mangahihikayat sa iyo. Iligtas mo ako sa salang pagbububo ng dugo, Oh Dios, ikaw na Dios ng aking kaligtasan; at ang aking dila ay aawit ng malakas tungkol sa iyong katuwiran. Oh Panginoon, bukhin mo ang aking mga labi; at ang aking bibig ay magsasaysay ng iyong kapurihan. Sapagka't hindi ka nalulugod sa hain; na kung dili ay bibigyan kita: wala kang kaluguran sa handog na susunugin. Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan. Gawan mo ng mabuti ang iyong mabuting kasayahan sa Sion: itayo mo ang mga kuta ng Jerusalem. Kung magkagayo'y malulugod ka sa mga hain ng katuwiran, sa handog na susunugin at sa handog na susunuging buo: kung magkagayo'y mangaghahandog sila ng mga toro sa iyong dambana.
Mga Awit 51:10-19 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. Sa iyong harapa'y huwag akong alisin; iyong banal na Espiritu'y paghariin. Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas, ibalik at ako po'y gawin mong tapat. Kung magkagayon na, aking tuturuang sa iyo lumapit ang makasalanan. Ingatan mo ako, Tagapagligtas ko at aking ihahayag ang pagliligtas mo. Tulungan mo akong makapagsalita, at pupurihin ka sa gitna ng madla. Hindi mo na nais ang mga handog; di ka nalulugod, sa haing sinunog; ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat ay ang pakumbabá't pusong mapagtapat. Iyong kahabagan, O Diyos, ang Zion; at ang Jerusalem ay muling ibangon. At kung magkagayon, ang handog na haing dala sa dambana, torong susunugin, malugod na ito'y iyong tatanggapin.
Mga Awit 51:10-19 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; At magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko. Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; At huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin. Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: At alalayan ako ng kusang espiritu. Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga lakad; At ang mga makasalanan ay mangahihikayat sa iyo. Iligtas mo ako sa salang pagbububo ng dugo, Oh Dios, ikaw na Dios ng aking kaligtasan; At ang aking dila ay aawit ng malakas tungkol sa iyong katuwiran. Oh Panginoon, bukhin mo ang aking mga labi; At ang aking bibig ay magsasaysay ng iyong kapurihan. Sapagka't hindi ka nalulugod sa hain; na kung dili ay bibigyan kita: Wala kang kaluguran sa handog na susunugin. Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: Isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan. Gawan mo ng mabuti ang iyong mabuting kasayahan sa Sion: Itayo mo ang mga kuta ng Jerusalem. Kung magkagayo'y malulugod ka sa mga hain ng katuwiran, Sa handog na susunugin at sa handog na susunuging buo: Kung magkagayo'y mangaghahandog sila ng mga toro sa iyong dambana.