Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 51:1-15

Mga Awit 51:1-15 Ang Salita ng Dios (ASND)

O Dios, kaawaan nʼyo po ako ayon sa inyong tapat na pagmamahal. At ayon sa inyong labis na pagmamalasakit sa akin, ang lahat ng pagsuway ko ay inyong pawiin at akoʼy patawarin. Hugasan nʼyo ako, at linisin nʼyo nang lubos sa aking kasamaan, dahil inaamin ko ang aking mga pagsuway, at lagi kong iniisip ang aking mga kasalanan. Tanging sa inyo lamang ako nagkasala. Gumawa ako ng masama sa inyong paningin. Kaya makatarungan kayo sa inyong pagbibintang sa akin. Karapat-dapat lang na hatulan nʼyo ako. Akoʼy makasalanan at masama mula pa noong akoʼy isinilang, kahit noong ipinaglilihi pa lang ako. Ang nais nʼyo ay isang pusong tapat, kung kayaʼt ipagkaloob nʼyo sa aking kaloob-looban ang karunungan. Linisin at hugasan nʼyo ako sa aking mga kasalanan upang lubusang luminis ang pusoʼt kaluluwa ko. Ipadama nʼyo sa akin ang kasiyahan at kaligayahan upang sa aba kong kalagayan, muling mapasaakin ang kagalakan. Kalimutan nʼyo ang aking mga kasalanan, at pawiin ang lahat kong kasamaan. Ilikha nʼyo ako ng busilak na puso, O Dios, at bigyan ako ng bagong espiritu na matapat. Huwag po akong itaboy palayo sa inyong piling, at ang inyong Banal na Espiritu sa akin ay huwag nʼyo po sanang bawiin. Sanaʼy ibalik sa akin ang kagalakang naramdaman ko noong iniligtas nʼyo ako, at bigyan nawa ako ng masunuring espiritu. At tuturuan ko ang mga makasalanan ng inyong mga pamamaraan upang manumbalik sila sa inyo. Patawarin nʼyo ako sa kasalanan kong pagpatay, O Dios na aking Tagapagligtas. At sisigaw ako sa kagalakan dahil sa inyong pagliligtas. Panginoon, buksan nʼyo po ang aking labi, nang ang mga itoʼy magpuri sa inyo.

Mga Awit 51:1-15 Ang Biblia (TLAB)

Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob: ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang. Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, at linisin mo ako sa aking kasalanan. Sapagka't kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: at ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko. Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin: upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka, at maging malinis pag humahatol ka. Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina, Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap; at sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang karunungan. Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis: hugasan mo ako at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve. Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan; upang ang mga buto na iyong binali ay mangagalak. Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan, at pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan. Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; at magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko. Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin. Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: at alalayan ako ng kusang espiritu. Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga lakad; at ang mga makasalanan ay mangahihikayat sa iyo. Iligtas mo ako sa salang pagbububo ng dugo, Oh Dios, ikaw na Dios ng aking kaligtasan; at ang aking dila ay aawit ng malakas tungkol sa iyong katuwiran. Oh Panginoon, bukhin mo ang aking mga labi; at ang aking bibig ay magsasaysay ng iyong kapurihan.

Mga Awit 51:1-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob: Ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang. Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, At linisin mo ako sa aking kasalanan. Sapagka't kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: At ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko. Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, At nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin: Upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka, At maging malinis pag humahatol ka. Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; At sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina, Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap; At sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang karunungan. Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis: Hugasan mo ako at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve. Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan; Upang ang mga buto na iyong binali ay mangagalak. Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan, At pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan. Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; At magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko. Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; At huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin. Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: At alalayan ako ng kusang espiritu. Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga lakad; At ang mga makasalanan ay mangahihikayat sa iyo. Iligtas mo ako sa salang pagbububo ng dugo, Oh Dios, ikaw na Dios ng aking kaligtasan; At ang aking dila ay aawit ng malakas tungkol sa iyong katuwiran. Oh Panginoon, bukhin mo ang aking mga labi; At ang aking bibig ay magsasaysay ng iyong kapurihan.

Mga Awit 51:1-15

Mga Awit 51:1-15 RTPV05Mga Awit 51:1-15 RTPV05Mga Awit 51:1-15 RTPV05Mga Awit 51:1-15 RTPV05