Mga Awit 5:1-12
Mga Awit 5:1-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pakinggan mo Yahweh ang aking pagdaing, ang aking panaghoy, sana'y bigyang pansin. Aking Diyos at hari, karaingan ko'y pakinggan, sapagkat sa iyo lang ako nananawagan. Sa kinaumagahan, O Yahweh, tinig ko'y iyong dinggin, at sa pagsikat ng araw, tugon mo'y hihintayin. Ikaw ay Diyos na di nalulugod sa kasamaan, mga maling gawain, di mo pinapayagan. Ang mga palalo'y di makakatagal sa iyong harapan, mga gumagawa ng kasamaa'y iyong kinasusuklaman. Pinupuksa mo Yahweh, ang mga sinungaling, galit ka sa mamamatay-tao, at mga mapanlamang. Ngunit dahil sa iyong dakilang pagmamahal, makakapasok ako sa iyong tahanan; ika'y sambahin ko sa Templo mong banal, luluhod ako tanda ng aking paggalang. Patnubayan mo ako, Yahweh, sa iyong katuwiran, dahil napakarami ng sa aki'y humahadlang, landas mong matuwid sa aki'y ipaalam, upang ito'y aking laging masundan. Ang mga sinasabi ng mga kaaway ko'y kasinungalingan; saloobin nila'y pawang kabulukan; parang bukás na libingan ang kanilang lalamunan, pananalita nila'y pawang panlilinlang. O Diyos, sila sana'y iyong panagutin, sa sariling pakana, sila'y iyong pabagsakin; sa dami ng pagkakasala nila, sila'y iyong itakwil, sapagkat mapaghimagsik sila at mga suwail. Ngunit ang humihingi ng tulong sa iyo ay masisiyahan, at lagi silang aawit nang may kagalakan. Ingatan mo ang mga sa iyo'y nagmamahal, upang magpatuloy silang ika'y papurihan. Pinagpapala mo, O Yahweh, ang mga taong matuwid, at gaya ng kalasag, protektado sila ng iyong pag-ibig.
Mga Awit 5:1-12 Ang Salita ng Dios (ASND)
O PANGINOON, pakinggan nʼyo po ang aking mga hinaing at iyak. Pakinggan nʼyo ang paghingi ko ng tulong, O Dios ko at aking Hari, dahil sa inyo lamang ako lumalapit. Sa umaga, O PANGINOON naririnig nʼyo ang aking panalangin, habang sinasabi ko sa inyo ang aking mga kahilingan at hinihintay ko ang inyong kasagutan. Kayo ay Dios na hindi natutuwa sa kasamaan, at hindi nʼyo tinatanggap ang taong namumuhay sa kasalanan. Ang mga mapagmataas ay hindi makalalapit sa inyong harapan, at ang mga gumagawa ng kasamaan ay inyong kinasusuklaman. Lilipulin nʼyo ang mga sinungaling. Kinasusuklaman nʼyo ang mga mamamatay-tao at mga mandaraya. Ngunit dahil sa dakila nʼyong pag-ibig sa akin, makakapasok ako sa banal nʼyong templo. At doon akoʼy sasamba nang may paggalang sa inyo. O PANGINOON, dahil napakarami ng aking mga kaaway, gabayan nʼyo ako tungo sa inyong matuwid na daan. Gawin nʼyong madali para sa akin ang pagsunod ko sa inyong kagustuhan. Hindi maaasahan ang sinasabi ng aking mga kaaway, laging hangad nilaʼy kapahamakan ng iba. Ang kanilang pananalita ay mapanganib katulad ng bukas na libingan, at ang kanilang sinasabi ay puro panloloko. O Dios, parusahan nʼyo po ang aking mga kaaway. Mapahamak sana sila sa sarili nilang masamang plano. Itakwil nʼyo sila dahil sa kanilang mga kasalanan, dahil silaʼy sumuway sa inyo. Ngunit magalak nawa ang lahat ng nanganganlong sa inyo; magsiawit nawa sila sa kagalakan. Ingatan nʼyo silang mga nagmamahal sa inyo, upang sa inyo magmula ang kanilang kagalakan. Pinagpapala nʼyo PANGINOON ang mga matuwid. Ang pag-ibig nʼyo ay parang kalasag na nag-iingat sa kanila.
Mga Awit 5:1-12 Ang Biblia (TLAB)
Pakinggan mo ang aking mga salita, Oh Panginoon, pakundanganan mo ang aking pagbubulaybulay. Dinggin mo ang tinig ng aking daing, Hari ko, at Dios ko; sapagka't sa iyo'y dumadalangin ako. Oh Panginoon, sa kinaumagaha'y didinggin mo ang aking tinig; sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako. Sapagka't ikaw ay di isang Dios na may kaluguran sa kasamaan: ang masama ay hindi tatahang kasama mo. Ang hambog ay hindi tatayo sa iyong paningin: iyong kinapopootan ang lahat na mga manggagawa ng kalikuan. Iyong lilipulin sila na nangagsasalita ng mga kabulaanan: kinayayamutan ng Panginoon ang taong mabangis at magdaraya, Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay; sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo. Patnubayan mo ako, Oh Panginoon, sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway; patagin mo ang iyong daan sa harapan ko. Sapagka't walang pagtatapat sa kanilang bibig; ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan; ang kanilang lalamunan ay bukas na libingan; sila'y nanganunuya ng kanilang dila. Bigyan mong sala sila, Oh Dios; ibuwal mo sila sa kanilang sariling mga payo: palayasin mo sila sa karamihan ng kanilang mga pagsalangsang; Sapagka't sila'y nanganghimagsik laban sa iyo, Nguni't iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo, pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka't iyong ipinagsasanggalang sila: mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan. Sapagka't iyong pagpapalain ang matuwid; Oh Panginoon, lilibirin mo siya ng paglingap na gaya ng isang kalasag.
Mga Awit 5:1-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pakinggan mo Yahweh ang aking pagdaing, ang aking panaghoy, sana'y bigyang pansin. Aking Diyos at hari, karaingan ko'y pakinggan, sapagkat sa iyo lang ako nananawagan. Sa kinaumagahan, O Yahweh, tinig ko'y iyong dinggin, at sa pagsikat ng araw, tugon mo'y hihintayin. Ikaw ay Diyos na di nalulugod sa kasamaan, mga maling gawain, di mo pinapayagan. Ang mga palalo'y di makakatagal sa iyong harapan, mga gumagawa ng kasamaa'y iyong kinasusuklaman. Pinupuksa mo Yahweh, ang mga sinungaling, galit ka sa mamamatay-tao, at mga mapanlamang. Ngunit dahil sa iyong dakilang pagmamahal, makakapasok ako sa iyong tahanan; ika'y sambahin ko sa Templo mong banal, luluhod ako tanda ng aking paggalang. Patnubayan mo ako, Yahweh, sa iyong katuwiran, dahil napakarami ng sa aki'y humahadlang, landas mong matuwid sa aki'y ipaalam, upang ito'y aking laging masundan. Ang mga sinasabi ng mga kaaway ko'y kasinungalingan; saloobin nila'y pawang kabulukan; parang bukás na libingan ang kanilang lalamunan, pananalita nila'y pawang panlilinlang. O Diyos, sila sana'y iyong panagutin, sa sariling pakana, sila'y iyong pabagsakin; sa dami ng pagkakasala nila, sila'y iyong itakwil, sapagkat mapaghimagsik sila at mga suwail. Ngunit ang humihingi ng tulong sa iyo ay masisiyahan, at lagi silang aawit nang may kagalakan. Ingatan mo ang mga sa iyo'y nagmamahal, upang magpatuloy silang ika'y papurihan. Pinagpapala mo, O Yahweh, ang mga taong matuwid, at gaya ng kalasag, protektado sila ng iyong pag-ibig.
Mga Awit 5:1-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Pakinggan mo ang aking mga salita, Oh Panginoon, Pakundanganan mo ang aking pagbubulaybulay. Dinggin mo ang tinig ng aking daing, Hari ko, at Dios ko; Sapagka't sa Iyo'y dumadalangin ako. Oh Panginoon, sa kinaumagaha'y didinggin mo ang aking tinig; Sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako. Sapagka't ikaw ay di isang Dios na may kaluguran sa kasamaan: Ang masama ay hindi tatahang kasama mo. Ang hambog ay hindi tatayo sa iyong paningin: Iyong kinapopootan ang lahat na mga manggagawa ng kalikuan. Iyong lilipulin sila na nangagsasalita ng mga kabulaanan: Kinayayamutan ng Panginoon ang taong mabangis at magdaraya, Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay; Sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo. Patnubayan mo ako, Oh Panginoon, sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway; Patagin mo ang iyong daan sa harapan ko. Sapagka't walang pagtatapat sa kanilang bibig; Ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan; Ang kanilang lalamunan ay bukas na libingan; Sila'y nanganunuya ng kanilang dila. Bigyan mong sala sila, Oh Dios; Ibuwal mo sila sa kanilang sariling mga payo: Palayasin mo sila sa karamihan ng kanilang mga pagsalangsang; Sapagka't sila'y nanganghimagsik laban sa iyo, Nguni't iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo, Pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka't iyong ipinagsasanggalang sila: Mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan. Sapagka't iyong pagpapalain ang matuwid; Oh Panginoon, lilibirin mo siya ng paglingap na gaya ng isang kalasag.