Mga Awit 47:1-9
Mga Awit 47:1-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Magdiwang ang lahat ng mga nilikha! Pumalakpak kayong may awit at tuwa, bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila! Ang Diyos na si Yahweh, Kataas-taasan, ay dakilang haring dapat na igalang; siya'y naghahari sa sangkatauhan. Tayo'y pinagwagi sa lahat ng tao, sa lahat ng bansa'y namahala tayo. Siya ang pumili ng ating tahanan, ang lupang minana ng mga hinirang. (Selah) Lumuklok sa trono si Yahweh na ating Diyos, sigawan at trumpeta ang siyang tumutunog. Purihin ang Diyos, siya ay awitan, awitan ang hari, siya'y papurihan! Ang Diyos, siyang hari ng lahat ng bansa; awita't purihin ng mga nilikha! Maghahari siya sa lahat ng bansa, magmula sa tronong banal at dakila. Sa mga hinirang ng Diyos ni Abraham, sasama ang mga pamunuan ng lahat ng bansa sa sandaigdigan. Ang mga sandata ng lahat ng kawal, lahat ay sa Diyos na kataas-taasan.
Mga Awit 47:1-9 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kayong mga tao sa bawat bansa, magpalakpakan kayo! Sumigaw sa Dios nang may kagalakan. Ang PANGINOON, ang Kataas-taasang Dios at kagalang-galang. Siya ang dakilang Hari sa buong sanlibutan. Ipinasakop niya sa aming mga Israelita ang lahat ng bansa. Pinili niya para sa amin ang lupang ipinangako bilang aming mana. Itoʼy ipinagmamalaki ni Jacob na kanyang minamahal. Ang Dios ay umaakyat sa kanyang trono habang nagsisigawan ang mga tao at tumutunog ang mga trumpeta. Umawit kayo ng mga papuri sa Dios. Umawit kayo ng mga papuri sa ating hari. Dahil ang Dios ang siyang Hari sa buong mundo. Umawit kayo sa kanya ng mga awit ng pagpupuri. Ang Dios ay nakaupo sa kanyang trono at naghahari sa mga bansa. Nagtitipon ang mga hari ng mga bansa, kasama ang mga mamamayan ng Dios ni Abraham. Ang mga pinuno sa mundo ay sa Dios, at mataas ang paggalang nila sa kanya.
Mga Awit 47:1-9 Ang Biblia (TLAB)
Oh ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan; magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay. Sapagka't ang Panginoong kataastaasan ay kakilakilabot; siya'y dakilang Hari sa buong lupa. Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin, at ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa. Kaniyang ipipili tayo ng ating mana, ang karilagan ni Jacob na kaniyang minahal. (Selah) Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan, ang Panginoon na may tunog ng pakakak. Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri: kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri. Sapagka't ang Dios ay Hari ng buong lupa: magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa. Ang Dios ay naghahari sa mga bansa: ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan. Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan upang maging bayan ng Dios ni Abraham; sapagka't ang mga kalasag ng lupa ay ukol sa Dios; siya'y totoong bunyi.
Mga Awit 47:1-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Magdiwang ang lahat ng mga nilikha! Pumalakpak kayong may awit at tuwa, bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila! Ang Diyos na si Yahweh, Kataas-taasan, ay dakilang haring dapat na igalang; siya'y naghahari sa sangkatauhan. Tayo'y pinagwagi sa lahat ng tao, sa lahat ng bansa'y namahala tayo. Siya ang pumili ng ating tahanan, ang lupang minana ng mga hinirang. (Selah) Lumuklok sa trono si Yahweh na ating Diyos, sigawan at trumpeta ang siyang tumutunog. Purihin ang Diyos, siya ay awitan, awitan ang hari, siya'y papurihan! Ang Diyos, siyang hari ng lahat ng bansa; awita't purihin ng mga nilikha! Maghahari siya sa lahat ng bansa, magmula sa tronong banal at dakila. Sa mga hinirang ng Diyos ni Abraham, sasama ang mga pamunuan ng lahat ng bansa sa sandaigdigan. Ang mga sandata ng lahat ng kawal, lahat ay sa Diyos na kataas-taasan.
Mga Awit 47:1-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Oh ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan; Magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay. Sapagka't ang Panginoong kataastaasan ay kakilakilabot; Siya'y dakilang Hari sa buong lupa. Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin, At ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa. Kaniyang ipipili tayo ng ating mana, Ang karilagan ni Jacob na kaniyang minahal. (Selah) Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan, Ang Panginoon na may tunog ng pakakak. Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri: Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri. Sapagka't ang Dios ay Hari ng buong lupa: Magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa. Ang Dios ay naghahari sa mga bansa: Ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan. Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan Upang maging bayan ng Dios ni Abraham; Sapagka't ang mga kalasag ng lupa ay ukol sa Dios; Siya'y totoong bunyi.