Mga Awit 47:1-2
Mga Awit 47:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Magdiwang ang lahat ng mga nilikha! Pumalakpak kayong may awit at tuwa, bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila! Ang Diyos na si Yahweh, Kataas-taasan, ay dakilang haring dapat na igalang; siya'y naghahari sa sangkatauhan.
Mga Awit 47:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kayong mga tao sa bawat bansa, magpalakpakan kayo! Sumigaw sa Dios nang may kagalakan. Ang PANGINOON, ang Kataas-taasang Dios at kagalang-galang. Siya ang dakilang Hari sa buong sanlibutan.
Mga Awit 47:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Oh ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan; magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay. Sapagka't ang Panginoong kataastaasan ay kakilakilabot; siya'y dakilang Hari sa buong lupa.
Mga Awit 47:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)