Mga Awit 46:9-11
Mga Awit 46:9-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Maging pagbabaka ay napatitigil, sibat at palaso'y madaling sirain; baluting sanggalang ay kayang tupukin! Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinakadakila.” Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan; ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan! (Selah)
Mga Awit 46:9-11 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kanyang pinatitigil ang mga digmaan sa lahat ng sulok ng mundo. Binabali niya ang mga sibat, pinuputol ang mga pana, at sinusunog ang mga kalasag. Sinasabi niya, “Tumigil kayo at kilalanin ninyo na ako ang Dios. Akoʼy pararangalan sa mga bansa. Akoʼy papupurihan sa buong mundo.” Kasama natin ang PANGINOONG Makapangyarihan. Ang Dios ni Jacob ang ating kanlungan.
Mga Awit 46:9-11 Ang Biblia (TLAB)
Kaniyang pinapaglilikat ang mga pagdidigma sa wakas ng lupa; kaniyang binabali ang busog, at pinuputol ang sibat; kaniyang sinusunog ang mga karo sa apoy. Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios: ako'y mabubunyi sa gitna ng mga bansa, ako'y mabubunyi sa lupa. Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin; ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan.
Mga Awit 46:9-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Maging pagbabaka ay napatitigil, sibat at palaso'y madaling sirain; baluting sanggalang ay kayang tupukin! Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinakadakila.” Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan; ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan! (Selah)
Mga Awit 46:9-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kaniyang pinapaglilikat ang mga pagdidigma sa wakas ng lupa; Kaniyang binabali ang busog, at pinuputol ang sibat; Kaniyang sinusunog ang mga karo sa apoy. Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios: Ako'y mabubunyi sa gitna ng mga bansa, ako'y mabubunyi sa lupa. Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin; Ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan.