Mga Awit 46:1-7
Mga Awit 46:1-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan. Di dapat matakot, mundo'y mayanig man, kahit na sa dagat ang bundok matangay; kahit na magngalit yaong karagatan, at ang mga burol mayanig, magimbal. (Selah) May ilog ng galak sa bayan ng Diyos, sa banal na templo'y ligaya ang dulot. Ang tahanang-lunsod ay di masisira; ito ang tahanan ng Diyos na Dakila, mula sa umaga ay kanyang alaga. Nangingilabot din bansa't kaharian, sa tinig ng Diyos lupa'y napaparam. Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan, ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan. (Selah)
Mga Awit 46:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan. Kaya huwag tayong matatakot kahit lumindol man, at gumuho ang mga bundok at bumagsak sa karagatan. Humampas man at umugong ang mga alon na naglalakihan, at mayanig ang kabundukan. May ilog na nagbibigay ng kagalakan sa bayan ng Dios, sa banal na tahanan ng Kataas-taasang Dios. Ang Dios ay nakatira sa lungsod na ito kaya hindi ito magigiba. Itoʼy kanyang ipagtatanggol sa kinaumagahan. Nagkakagulo ang mga bansa; bumabagsak ang mga kaharian. Sa sigaw ng Dios, ang mga tao sa mundo ay parang matutunaw sa takot. Kasama natin ang PANGINOON ng hukbo ng kalangitan. Ang Dios ni Jacob ang ating kanlungan.
Mga Awit 46:1-7 Ang Biblia (TLAB)
Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan. Kaya't hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago, at bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa kagitnaan ng mga dagat; Bagaman ang tubig niyaon ay magsihugong at mabagabag. Bagaman ang mga bundok ay mangauga dahil sa unos niyaon. (Selah) May isang ilog, na ang mga agos ay nagpapasaya sa bayan ng Dios. Sa banal na dako ng mga tabernakulo ng Kataastaasan. Ang Dios ay nasa gitna niya; siya'y hindi makikilos: tutulungan siya ng Dios na maaga. Ang mga bansa ay nangagkagulo, ang mga kaharian ay nangakilos: inihiyaw niya ang kaniyang tinig, ang lupa ay natunaw. Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin; ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan. (Selah)
Mga Awit 46:1-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan. Di dapat matakot, mundo'y mayanig man, kahit na sa dagat ang bundok matangay; kahit na magngalit yaong karagatan, at ang mga burol mayanig, magimbal. (Selah) May ilog ng galak sa bayan ng Diyos, sa banal na templo'y ligaya ang dulot. Ang tahanang-lunsod ay di masisira; ito ang tahanan ng Diyos na Dakila, mula sa umaga ay kanyang alaga. Nangingilabot din bansa't kaharian, sa tinig ng Diyos lupa'y napaparam. Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan, ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan. (Selah)
Mga Awit 46:1-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, Handang saklolo sa kabagabagan. Kaya't hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago, At bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa kagitnaan ng mga dagat; Bagaman ang tubig niyaon ay magsihugong at mabagabag. Bagaman ang mga bundok ay mangauga dahil sa unos niyaon. (Selah) May isang ilog, na ang mga agos ay nagpapasaya sa bayan ng Dios. Sa banal na dako ng mga tabernakulo ng Kataastaasan. Ang Dios ay nasa gitna niya; siya'y hindi makikilos: Tutulungan siya ng Dios na maaga. Ang mga bansa ay nangagkagulo, ang mga kaharian ay nangakilos: Inihiyaw niya ang kaniyang tinig, ang lupa ay natunaw. Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin; Ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan. (Selah)