Mga Awit 44:1-3
Mga Awit 44:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang gawa mo noong una dakilang mga bagay, narinig po namin, O Diyos, sa ninuno naming mahal; Pinalayas mo ang Hentil sa sarili nilang bayan, at ang mga hinirang mo ang siya mong inilagay; sila'y iyong pinagpala't pinaunlad yaong buhay, samantalang iyong iba ay parusa ang nakamtan, hindi sila ang gumapi sa lupain na minana, hindi sila nagtagumpay dahilan sa lakas nila; hindi tabak ang ginamit, ni ginamit na sandata, kundi lakas mo, O Diyos, noong ikaw ang kasama; oo, ito'y ginawa mo pagkat mahal mo nga sila.
Mga Awit 44:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
O Dios, narinig namin mula sa aming mga ninuno ang tungkol sa mga ginawa nʼyo sa kanila noong kanilang kapanahunan. Matagal nang panahon ang lumipas. Ang mga bansang hindi naniniwala sa inyo ay pinalayas nʼyo sa kanilang mga lupain at pinarusahan, samantalang ang aming mga ninuno ay itinanim nʼyo roon at pinalago. Nasakop nila ang lupain, hindi dahil sa kanilang mga armas. Nagtagumpay sila hindi dahil sa kanilang lakas, kundi sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, pagpapala at kakayahan, dahil mahal nʼyo sila.
Mga Awit 44:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Narinig namin ng aming mga pakinig, Oh Dios, isinaysay sa amin ng aming mga magulang, kung anong gawa ang iyong ginawa sa kanilang mga kaarawan, ng mga kaarawan ng una. Iyong itinaboy ng iyong kamay ang mga bansa, nguni't itinatag mo sila; iyong dinalamhati ang mga bayan, nguni't iyong pinangalat sila. Sapagka't hindi nila tinamo ang lupain na pinakaari sa pamamagitan ng kanilang sariling tabak, ni iniligtas man sila ng kanilang sariling kamay: kundi ng iyong kanan, at ng iyong bisig, at ng liwanag ng iyong mukha, sapagka't iyong nilingap sila.
Mga Awit 44:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang gawa mo noong una dakilang mga bagay, narinig po namin, O Diyos, sa ninuno naming mahal; Pinalayas mo ang Hentil sa sarili nilang bayan, at ang mga hinirang mo ang siya mong inilagay; sila'y iyong pinagpala't pinaunlad yaong buhay, samantalang iyong iba ay parusa ang nakamtan, hindi sila ang gumapi sa lupain na minana, hindi sila nagtagumpay dahilan sa lakas nila; hindi tabak ang ginamit, ni ginamit na sandata, kundi lakas mo, O Diyos, noong ikaw ang kasama; oo, ito'y ginawa mo pagkat mahal mo nga sila.
Mga Awit 44:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Narinig namin ng aming mga pakinig, Oh Dios, Isinaysay sa amin ng aming mga magulang, Kung anong gawa ang iyong ginawa sa kanilang mga kaarawan, Ng mga kaarawan ng una. Iyong itinaboy ng iyong kamay ang mga bansa, Nguni't itinatag mo sila; Iyong dinalamhati ang mga bayan, Nguni't iyong pinangalat sila. Sapagka't hindi nila tinamo ang lupain na pinakaari sa pamamagitan ng kanilang sariling tabak, Ni iniligtas man sila ng kanilang sariling kamay: Kundi ng iyong kanan, at ng iyong bisig, at ng liwanag ng iyong mukha, Sapagka't iyong nilingap sila.