Mga Awit 42:9-10
Mga Awit 42:9-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa Diyos na sanggalang ko ganito ang aking wika, “Bakit ako ay nilimot, nilimot mo akong kusa? Bakit ako nagdurusa sa kamay ng masasama?” Kalooban ko'y nanghihina sa pagkutya ng kalaban, habang sila'y nagtatanong, “Ang Diyos mo ba ay nasaan?”
Mga Awit 42:9-10 Ang Salita ng Dios (ASND)
O Dios, na aking batong kanlungan, akoʼy nagtatanong, “Bakit nʼyo ako kinalimutan? Bakit kinakailangan pang magdusa ako sa pang-aapi ng aking mga kaaway?” Para bang tumatagos na sa aking mga buto ang pang-iinsulto ng aking mga kaaway. Patuloy nilang sinasabi, “Nasaan na ang Dios mo?”
Mga Awit 42:9-10 Ang Biblia (TLAB)
Aking sasabihin sa Dios na aking malaking bato, bakit mo ako kinalimutan? Bakit ako'y yayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway? Na wari tabak sa aking mga buto, na tinutuya ako ng aking mga kaaway; habang sinasabi nilang lagi sa akin, saan nandoon ang iyong Dios?
Mga Awit 42:9-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa Diyos na sanggalang ko ganito ang aking wika, “Bakit ako ay nilimot, nilimot mo akong kusa? Bakit ako nagdurusa sa kamay ng masasama?” Kalooban ko'y nanghihina sa pagkutya ng kalaban, habang sila'y nagtatanong, “Ang Diyos mo ba ay nasaan?”
Mga Awit 42:9-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Aking sasabihin sa Dios na aking malaking bato, Bakit mo ako kinalimutan? Bakit ako'y yayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway? Na wari tabak sa aking mga buto, na tinutuya ako ng aking mga kaaway; Habang sinasabi nilang lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios?