Mga Awit 42:7-8
Mga Awit 42:7-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang dagat na kalaliman pakinggan at umuugong, at doon ay maririnig, lagaslas ng mga talon; ang katulad: nagagalit, malalaking mga alon, na sa aking kaluluwa ay ganap na tumatabon. Nawa ang pag-ibig ni Yahweh ay mahayag araw-araw, gabi-gabi siya nawa'y purihin ko at awitan; dadalangin ako sa Diyos, na sa aki'y bumubuhay.
Mga Awit 42:6-8 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nanghihina ang loob ko. Akoʼy parang tinabunan nʼyo ng malalaking alon, na umuugong na parang tubig sa talon. Kaya dito ko muna kayo inaalala sa paligid ng Ilog ng Jordan at Hermon, sa Bundok ng Mizar. Sa araw, PANGINOON, ipinapakita nʼyo ang inyong pag-ibig. Kaya sa gabi, umaawit ako ng aking dalangin sa inyo, O Dios na nagbigay ng buhay ko.
Mga Awit 42:7-8 Ang Biblia (TLAB)
Kalaliman ay tumatawag sa kalaliman sa hugong ng iyong mga baha: lahat ng iyong alon at ang iyong malaking alon ay nagsitabon sa akin. Gayon ma'y uutusan ng Panginoon ang kaniyang kagandahang-loob sa araw, at sa gabi ay sasa akin ang awit sa kaniya, sa makatuwid baga'y isang dalangin sa Dios ng aking buhay.
Mga Awit 42:7-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang dagat na kalaliman pakinggan at umuugong, at doon ay maririnig, lagaslas ng mga talon; ang katulad: nagagalit, malalaking mga alon, na sa aking kaluluwa ay ganap na tumatabon. Nawa ang pag-ibig ni Yahweh ay mahayag araw-araw, gabi-gabi siya nawa'y purihin ko at awitan; dadalangin ako sa Diyos, na sa aki'y bumubuhay.
Mga Awit 42:7-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kalaliman ay tumatawag sa kalaliman sa hugong ng iyong mga baha: Lahat ng iyong alon at ang iyong malaking alon ay nagsitabon sa akin. Gayon ma'y uutusan ng Panginoon ang kaniyang kagandahang-loob sa araw, At sa gabi ay sasa akin ang awit sa kaniya, Sa makatuwid baga'y isang dalangin sa Dios ng aking buhay.