Mga Awit 4:7-8
Mga Awit 4:7-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Puso ko'y iyong pinuno ng lubos na kagalakan, higit pa sa pagkain at alak na inumin. Sa aking paghiga, nakakatulog nang mahimbing, pagkat ikaw, Yahweh, ang nag-iingat sa akin.
Mga Awit 4:7-8 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Labis na kagalakan ang inyong ibinigay sa akin, higit pa sa kanila na sagana sa pagkain at inumin. Sa aking pagtulog, panatag ang aking loob, sapagkat kayo, PANGINOON, ang nakabantay sa akin.
Mga Awit 4:7-8 Ang Biblia (TLAB)
Ikaw ay naglagay ng kasayahan sa aking puso, ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil, at kanilang alak ay magsidami. Payapa akong hihiga at gayon din matutulog: sapagka't ikaw, Panginoon, pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan.
Mga Awit 4:7-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Puso ko'y iyong pinuno ng lubos na kagalakan, higit pa sa pagkain at alak na inumin. Sa aking paghiga, nakakatulog nang mahimbing, pagkat ikaw, Yahweh, ang nag-iingat sa akin.
Mga Awit 4:7-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ikaw ay naglagay ng kasayahan sa aking puso, Ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil, at kanilang alak ay magsidami. Payapa akong hihiga at gayon din matutulog: Sapagka't ikaw, Panginoon, pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan.



