Mga Awit 39:4-5
Mga Awit 39:4-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Yahweh, sana'y sabihin mo kung kailan mamamatay, kung gaanong katagal pa kaya ako mabubuhay.” Ang damdam ko sa sarili'y pinaikli mo ang buhay, sa harap mo ang buhay ko'y parang walang kabuluhan; ang buhay ng bawat tao'y parang hanging dumaraan. (Selah)
Mga Awit 39:4-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
“PANGINOON, paalalahanan nʼyo ako na may katapusan at bilang na ang aking mga araw, na ang buhay ko sa mundoʼy pansamantala lamang. Paalalahanan nʼyo akong sa mundo ay lilisan. Kay ikli ng buhay na ibinigay nʼyo sa akin. Katumbas lang ng isang saglit para sa inyo. Itoʼy parang hangin lamang na dumadaan
Mga Awit 39:4-5 Ang Biblia (TLAB)
Panginoon, ipakilala mo sa akin ang aking wakas, at ang sukat ng aking mga kaarawan, kung ano; ipakilala mo sa akin kung gaano kahina ako. Narito, gaya ng mga dangkal ginawa mo ang aking mga kaarawan; at ang aking gulang ay tila wala sa harap mo: tunay na bawa't tao sa kaniyang mainam na kalagayan ay pawang walang kabuluhan. (Selah)
Mga Awit 39:4-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Yahweh, sana'y sabihin mo kung kailan mamamatay, kung gaanong katagal pa kaya ako mabubuhay.” Ang damdam ko sa sarili'y pinaikli mo ang buhay, sa harap mo ang buhay ko'y parang walang kabuluhan; ang buhay ng bawat tao'y parang hanging dumaraan. (Selah)
Mga Awit 39:4-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Panginoon, ipakilala mo sa akin ang aking wakas, At ang sukat ng aking mga kaarawan, kung ano; Ipakilala mo sa akin kung gaano kahina ako. Narito, gaya ng mga dangkal ginawa mo ang aking mga kaarawan; At ang aking gulang ay tila wala sa harap mo: Tunay na bawa't tao sa kaniyang mainam na kalagayan ay pawang walang kabuluhan. (Selah)