Mga Awit 37:21-22
Mga Awit 37:21-22 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Anumang hiramin ng taong masama, di na ibabalik sa kanyang kapwa, ngunit ang matuwid na puso'y dakila, ang palad ay bukás at may pang-unawa. Lahat ng mga taong pinagpala ni Yahweh, lupang masagana, kanilang bahagi; ngunit ang sinuman na kanyang sumpain, sa lupaing iyon ay palalayasin.
Mga Awit 37:21-22 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang taong masama ay nangungutang pero hindi nagbabayad, ngunit ang taong matuwid ay naaawa at nagbibigay ng sagana. Ang mga pinagpapala ng PANGINOON ay patuloy na titira sa lupain ng Israel. Ngunit silang mga isinumpa niya ay palalayasin.
Mga Awit 37:21-22 Ang Biblia (TLAB)
Ang masama ay humihiram, at hindi nagsasauli: nguni't ang matuwid ay nahahabag, at nagbibigay. Sapagka't ang mga gayong pinagpala ng Panginoon ay mangagmamana ng lupain; at silang sinumpa niya ay mahihiwalay.
Mga Awit 37:21-22 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)