Mga Awit 34:9-10
Mga Awit 34:9-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Matakot kay Yahweh, kayo na kanyang bayan, nang makamtan ninyo ang lahat ng bagay. Kahit mga leon ay nagugutom din, sila'y nagkukulang sa hustong pagkain; ngunit ang sinumang kay Yahweh ay sumunod, mabubuting bagay, sa kanya'y di mauudlot.
Mga Awit 34:9-10 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kayong mga hinirang ng PANGINOON, matakot kayo sa kanya, dahil ang may takot sa kanya ay hindi kukulangin sa lahat ng pangangailangan. Kahit mga leon ay kukulangin sa pagkain at magugutom, ngunit hindi kukulangin ng mabubuting bagay ang mga nagtitiwala sa PANGINOON.
Mga Awit 34:9-10 Ang Biblia (TLAB)
Oh mangatakot kayo sa Panginoon, kayong mga banal niya: sapagka't walang kakulangan sa kanila na nangatatakot sa kaniya. Ang mga batang leon ay kinakapos at nagtitiis ng gutom. Nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay.
Mga Awit 34:9-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Matakot kay Yahweh, kayo na kanyang bayan, nang makamtan ninyo ang lahat ng bagay. Kahit mga leon ay nagugutom din, sila'y nagkukulang sa hustong pagkain; ngunit ang sinumang kay Yahweh ay sumunod, mabubuting bagay, sa kanya'y di mauudlot.
Mga Awit 34:9-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Oh mangatakot kayo sa Panginoon, kayong mga banal niya: Sapagka't walang kakulangan sa kanila na nangatatakot sa kaniya. Ang mga batang leon ay kinakapos at nagtitiis ng gutom. Nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay.