Mga Awit 34:4-11
Mga Awit 34:4-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang aking dalangi'y dininig ng Diyos, inalis niya sa akin ang lahat kong takot. Nagalak ang aping umasa sa kanya, pagkat di nabigo ang pag-asa nila. Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa, sila'y iniligtas sa hirap at dusa. Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos, sa mga panganib, sila'y kinukupkop. Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh; mapalad ang mga taong nananalig sa kanya. Matakot kay Yahweh, kayo na kanyang bayan, nang makamtan ninyo ang lahat ng bagay. Kahit mga leon ay nagugutom din, sila'y nagkukulang sa hustong pagkain; ngunit ang sinumang kay Yahweh ay sumunod, mabubuting bagay, sa kanya'y di mauudlot. Lapit, ako'y dinggin mga kaibigan, at kayo ngayo'y aking tuturuan na si Yahweh ay dapat sundi't igalang.
Mga Awit 34:4-11 Ang Salita ng Dios (ASND)
Akoʼy nanalangin sa PANGINOON at akoʼy kanyang sinagot. Pinalaya niya ako sa lahat ng aking takot. Ang mga umaasa sa kanya ay nagniningning ang mata sa kaligayahan, at walang bahid ng hiya sa kanilang mukha. Noong wala na akong pag-asa, tumawag ako sa PANGINOON. Akoʼy kanyang pinakinggan at iniligtas sa lahat ng mga dinaranas kong kahirapan. Ang anghel ng PANGINOON ay nagbabantay sa mga may takot sa Dios, at ipinagtatanggol niya sila. Subukan ninyo at inyong makikita, kung gaano kabuti ang PANGINOON. Napakapalad ng taong naghahanap ng kaligtasan sa kanya! Kayong mga hinirang ng PANGINOON, matakot kayo sa kanya, dahil ang may takot sa kanya ay hindi kukulangin sa lahat ng pangangailangan. Kahit mga leon ay kukulangin sa pagkain at magugutom, ngunit hindi kukulangin ng mabubuting bagay ang mga nagtitiwala sa PANGINOON. Lumapit kayo, kayong gustong matuto sa akin. Pakinggan ninyo ako at tuturuan ko kayo ng pagkatakot sa PANGINOON.
Mga Awit 34:4-11 Ang Biblia (TLAB)
Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako, at iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan. Sila'y nagsitingin sa kaniya, at nangaliwanagan: at ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man. Itong abang tao'y dumaing, at dininig siya ng Panginoon. At iniligtas siya sa lahat niyang mga kabagabagan. Ang anghel ng Panginoon ay humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya, at ipinagsasanggalang sila. Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti: mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya. Oh mangatakot kayo sa Panginoon, kayong mga banal niya: sapagka't walang kakulangan sa kanila na nangatatakot sa kaniya. Ang mga batang leon ay kinakapos at nagtitiis ng gutom. Nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay. Magsiparito kayo, kayong mga anak, dinggin ninyo ako: aking tuturuan kayo ng pagkatakot sa Panginoon.
Mga Awit 34:4-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang aking dalangi'y dininig ng Diyos, inalis niya sa akin ang lahat kong takot. Nagalak ang aping umasa sa kanya, pagkat di nabigo ang pag-asa nila. Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa, sila'y iniligtas sa hirap at dusa. Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos, sa mga panganib, sila'y kinukupkop. Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh; mapalad ang mga taong nananalig sa kanya. Matakot kay Yahweh, kayo na kanyang bayan, nang makamtan ninyo ang lahat ng bagay. Kahit mga leon ay nagugutom din, sila'y nagkukulang sa hustong pagkain; ngunit ang sinumang kay Yahweh ay sumunod, mabubuting bagay, sa kanya'y di mauudlot. Lapit, ako'y dinggin mga kaibigan, at kayo ngayo'y aking tuturuan na si Yahweh ay dapat sundi't igalang.
Mga Awit 34:4-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako, At iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan. Sila'y nagsitingin sa kaniya, at nangaliwanagan: At ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man. Itong abang tao'y dumaing, at dininig siya ng Panginoon. At iniligtas siya sa lahat niyang mga kabagabagan. Ang anghel ng Panginoon ay humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya, At ipinagsasanggalang sila. Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti: Mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya. Oh mangatakot kayo sa Panginoon, kayong mga banal niya: Sapagka't walang kakulangan sa kanila na nangatatakot sa kaniya. Ang mga batang leon ay kinakapos at nagtitiis ng gutom. Nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay. Magsiparito kayo, kayong mga anak, dinggin ninyo ako: Aking tuturuan kayo ng pagkatakot sa Panginoon.