Mga Awit 34:3-5
Mga Awit 34:3-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Halikayo! Ipahayag natin ang kadakilaan ng PANGINOON, at itaas natin ang kanyang pangalan. Akoʼy nanalangin sa PANGINOON at akoʼy kanyang sinagot. Pinalaya niya ako sa lahat ng aking takot. Ang mga umaasa sa kanya ay nagniningning ang mata sa kaligayahan, at walang bahid ng hiya sa kanilang mukha.
Mga Awit 34:3-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang kadakilaan niya ay ihayag, at ang ngalan niya'y purihin ng lahat! Ang aking dalangi'y dininig ng Diyos, inalis niya sa akin ang lahat kong takot. Nagalak ang aping umasa sa kanya, pagkat di nabigo ang pag-asa nila.
Mga Awit 34:3-5 Ang Biblia (TLAB)
Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon, at tayo'y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan. Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako, at iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan. Sila'y nagsitingin sa kaniya, at nangaliwanagan: at ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man.
Mga Awit 34:3-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang kadakilaan niya ay ihayag, at ang ngalan niya'y purihin ng lahat! Ang aking dalangi'y dininig ng Diyos, inalis niya sa akin ang lahat kong takot. Nagalak ang aping umasa sa kanya, pagkat di nabigo ang pag-asa nila.
Mga Awit 34:3-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon, At tayo'y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan. Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako, At iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan. Sila'y nagsitingin sa kaniya, at nangaliwanagan: At ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man.