Mga Awit 34:12-16
Mga Awit 34:12-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sinong tao ang nagnanasa ng buhay, At umiibig sa maraming kaarawan upang makakita siya ng mabuti? Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama. At ang iyong mga labi sa pagsasalita ng karayaan. Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti; Hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo. Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid, At ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing. Ang mukha ng Panginoon ay laban sa kanila na nagsisigawa ng kasamaan, Upang ihiwalay ang alaala sa kanila sa lupa.
Mga Awit 34:12-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinong may gusto ng mahabang buhay; sinong may nais ng masaganang buhay? Dila mo'y pigilan sa paghabi ng kasamaan. Mabuti ang gawi't masama'y layuan pagsikapang kamtin ang kapayapaan. Mga mata ni Yahweh, sa mat'wid nakatuon, sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon. Sa mga masasama, siya'y tumatalikod, at sa alaala, sila'y mawawala.
Mga Awit 34:12-16 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kung nais ninyo ng masaya at mahabang buhay, iwasan ninyo ang masamang pananalita at pagsisinungaling. Lumayo kayo sa masama at gawin ninyo ang mabuti. Pagsikapan ninyong kamtin ang kapayapaan. Iniingatan ng PANGINOON ang mga matuwid, at pinakikinggan niya ang kanilang mga karaingan. Ngunit kinakalaban ng PANGINOON ang mga gumagawa ng masama. Silaʼy kanyang nililipol hanggang sa hindi na sila maalala ng mga tao sa mundo.
Mga Awit 34:12-16 Ang Biblia (TLAB)
Sinong tao ang nagnanasa ng buhay, at umiibig sa maraming kaarawan upang makakita siya ng mabuti? Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama. At ang iyong mga labi sa pagsasalita ng karayaan. Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti; hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo. Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid, at ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing. Ang mukha ng Panginoon ay laban sa kanila na nagsisigawa ng kasamaan, upang ihiwalay ang alaala sa kanila sa lupa.
Mga Awit 34:12-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinong may gusto ng mahabang buhay; sinong may nais ng masaganang buhay? Dila mo'y pigilan sa paghabi ng kasamaan. Mabuti ang gawi't masama'y layuan pagsikapang kamtin ang kapayapaan. Mga mata ni Yahweh, sa mat'wid nakatuon, sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon. Sa mga masasama, siya'y tumatalikod, at sa alaala, sila'y mawawala.