Mga Awit 32:1-5
Mga Awit 32:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mapalad ang taong pinatawad na ang kasalanan, at pinatawad rin sa kanyang mga pagsalangsang. Mapalad ang taong hindi pinaparatangan, sa harap ni Yahweh'y hindi siya nanlinlang. Nang hindi ko pa naihahayag ang aking mga sala, ako'y nanghina sa maghapong pagluha. Sa araw at gabi, ako'y iyong pinarusahan, wala nang natirang lakas sa katawan, parang hamog na natuyo sa init ng tag-araw. (Selah) Kaya't ang kasalanan ko'y aking inamin; mga pagkakamali ko'y hindi na inilihim. Ako'y nagpasyang sa iyo'y ipagtapat, at mga sala ko'y pinatawad mong lahat. (Selah)
Mga Awit 32:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mapalad ang isang tao na ang mga pagsuway at mga kasalanan ay pinatawad at kinalimutan na ng PANGINOON. Mapalad ang tao na ang kasalanan ay hindi ibinibintang sa kanya ng PANGINOON, at walang pandaraya sa kanyang puso. Noong hindi ko pa ipinagtatapat ang aking mga kasalanan, buong araw akoʼy nanlulumo at nanghihina ang aking katawan. Araw-gabi, hirap na hirap ako dahil sa tindi ng inyong pagdidisiplina sa akin. Nawalan na ako ng lakas, tulad ng natuyong tubig sa panahon ng tag-araw. Ngunit sa wakas, ipinagtapat ko ang aking mga kasalanan sa inyo; hindi ko na ito itinago pa. Sinabi ko nga sa sarili ko, “Ipagtatapat ko na ang aking mga kasalanan sa PANGINOON.” At pinatawad nʼyo ako.
Mga Awit 32:1-5 Ang Biblia (TLAB)
Mapalad siyang pinatawad ng pagsalangsang, na tinakpan ang kasalanan. Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng Panginoon, at walang pagdaraya ang diwa niya. Nang ako'y tumahimik, ay nanglumo ang aking mga buto dahil sa aking pagangal buong araw. Sapagka't araw at gabi ay mabigat sa akin ang iyong kamay: ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit. (Selah) Aking kinilala ang aking kasalanan sa iyo, at ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli: aking sinabi, aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon; at iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan.
Mga Awit 32:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mapalad ang taong pinatawad na ang kasalanan, at pinatawad rin sa kanyang mga pagsalangsang. Mapalad ang taong hindi pinaparatangan, sa harap ni Yahweh'y hindi siya nanlinlang. Nang hindi ko pa naihahayag ang aking mga sala, ako'y nanghina sa maghapong pagluha. Sa araw at gabi, ako'y iyong pinarusahan, wala nang natirang lakas sa katawan, parang hamog na natuyo sa init ng tag-araw. (Selah) Kaya't ang kasalanan ko'y aking inamin; mga pagkakamali ko'y hindi na inilihim. Ako'y nagpasyang sa iyo'y ipagtapat, at mga sala ko'y pinatawad mong lahat. (Selah)
Mga Awit 32:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Mapalad siyang pinatawad ng pagsalangsang, Na tinakpan ang kasalanan. Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng Panginoon, At walang pagdaraya ang diwa niya. Nang ako'y tumahimik, ay nanglumo ang aking mga buto Dahil sa aking pagangal buong araw. Sapagka't araw at gabi ay mabigat sa akin ang iyong kamay: Ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit. (Selah) Aking kinilala ang aking kasalanan sa iyo, At ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli: Aking sinabi, Aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon; At iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan.