Mga Awit 31:1-24
Mga Awit 31:1-24 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Lumalapit ako sa iyo, Yahweh, upang ingatan; huwag mo sana akong ilagay sa kahihiyan. Ikaw ay isang Diyos na makatuwiran, iligtas mo ako, ito'ng aking kahilingan. Ako'y iyong dinggin, iligtas ngayon din! Sana'y ikaw ang aking maging batong kublihan; matibay na kuta para sa aking kaligtasan. Ikaw ang aking kanlungan at sanggalang; ayon sa pangako mo, akayin ako't patnubayan. Iligtas mo ako sa nakaumang na patibong; laban sa panganib, sa iyo manganganlong. Sa iyong kamay, ipinagkakatiwala ko ang aking buhay. At sa aki'y ibibigay ang iyong kaligtasan; ikaw ay Diyos na mapagkakatiwalaan. Ikaw ay namumuhi sa mga sumasamba sa mga diyus-diyosang walang halaga, ngunit sa iyo, Yahweh, ako umaasa. Matutuwa ako at magagalak, dahil sa pag-ibig mong wagas. Paghihirap ko'y iyong nakikita, alam mo ang aking pagdurusa. Di mo ako hinayaan sa kamay ng kaaway; binigyan pa ng laya sa aking paglalakbay. O Yahweh, sana'y iyong kahabagan, sapagkat ako ay nasa kaguluhan; namamaga na ang mata dahil sa pagluha, buong pagkatao ko'y mahinang mahina! Pinagod ako ng aking kalungkutan, dahil sa pagluha'y umikli ang aking buhay. Pinanghina ako ng mga suliranin, pati mga buto ko'y naaagnas na rin. Nilalait ako ng aking mga kaaway, hinahamak ako ng mga kapitbahay; mga dating kakilala ako'y iniiwasan, kapag ako'y nakasalubong ay nagtatakbuhan. Para akong patay na kanilang nakalimutan, parang sirang gamit na hindi na kailangan. Maraming mga banta akong naririnig, mula sa mga kaaway sa aking paligid; may masama silang binabalak sa akin, plano nilang ako ay patayin. Subalit sa iyo, Yahweh, ako'y nagtitiwala, ikaw ang aking Diyos na dakila! Ikaw ang may hawak nitong aking buhay, iligtas mo ako sa taga-usig ko't mga kaaway. Itong iyong lingkod, sana ay lingapin, sa wagas mong pag-ibig ako ay sagipin. Sa iyo, Yahweh, ako'y nananawagan, huwag hayaang malagay ako sa kahihiyan. Ang masasamang tao ang dapat na mapahiya, sa daigdig ng mga patay, tahimik silang bababâ. Patahimikin mo ang mga sinungaling, ang mga palalong ang laging layunin, ang mga matuwid ay kanilang hamakin. Kay sagana ng mabubuting bagay, na laan sa mga sa iyo'y gumagalang. Nalalaman ng lahat ang iyong kabutihang-loob, matatag ang pag-iingat sa nagtitiwala sa iyong lubos. Iniingatan mo sila at kinakalinga, laban sa balak ng taong masasama; inilalagay mo sila sa ligtas na kublihan, upang hindi laitin ng mga kaaway. Purihin si Yahweh! Kahanga-hanga ang ipinakita niyang pag-ibig sa akin, nang ako'y nagigipit at parang lunsod na sasalakayin! Ako ay natakot, labis na nangamba, sa pag-aakalang ako'y itinakwil na. Ngunit dininig mo ang aking dalangin, nang ang iyong tulong ay aking hingin. Mahalin ninyo si Yahweh, kayong kanyang bayan. Mga tapat sa kanya, ay kanyang iniingatan, ngunit ang palalo'y pinaparusahan ng angkop sa kanilang kasalanan. Magpakatatag kayo at lakasan ang loob, kayong kay Yahweh'y nagtitiwalang lubos.

Mga Awit 31:1-24 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON, sa inyo ako humihingi ng kalinga. Huwag nʼyong hayaang mapahiya ako. Iligtas nʼyo ako dahil matuwid kayo. Pakinggan nʼyo ako at agad na iligtas. Kayo ang aking batong kanlungan, at pader na tanggulan para sa aking kaligtasan. Dahil kayo ang bato na matibay na kong kanlungan, pangunahan nʼyo ako at patnubayan nang kayo ay aking maparangalan. Ilayo nʼyo ako sa bitag ng aking mga kaaway, dahil kayo ang aking matibay na tanggulan. Ipinauubaya ko sa inyo ang aking sarili. Iligtas nʼyo ako, PANGINOON, dahil kayo ang Dios na maaasahan. PANGINOON, namumuhi ako sa mga sumasamba sa mga dios-diosan na walang kabuluhan, dahil sa inyo ako nagtitiwala. Akoʼy magagalak sa inyong pag-ibig, dahil nakita nʼyo ang aking pagdurusa, at nalalaman nʼyo ang tinitiis kong kahirapan. Hindi nʼyo ako ibinigay sa aking mga kaaway, sa halip iniligtas nʼyo ako sa kapahamakan. PANGINOON, kahabagan nʼyo po ako, dahil akoʼy labis nang nahihirapan. Namumugto na ang aking mga mata sa pag-iyak, at nanghihina na ako. Ang buhay koʼy punong-puno ng kasawian; umiikli ang buhay ko dahil sa pag-iyak at kalungkutan. Nanghihina na ako sa kapighatiang aking nararanasan, at parang nadudurog na ang aking mga buto. Kinukutya ako ng aking mga kaaway, at hinahamak ng aking mga kapitbahay. Iniiwasan na ako ng mga dati kong kaibigan; kapag nakikita nila ako sa daan, akoʼy kanilang nilalayuan. Para akong patay na kanilang kinalimutan, at parang basag na sisidlan na wala nang halaga. Marami akong naririnig na banta laban sa akin. Natatakot akong pumunta kahit saan, dahil plano nilang patayin ako. Ngunit ako ay nagtitiwala sa inyo, PANGINOON. Sinasabi kong, “Kayo ang aking Dios!” Ang aking kinabukasan ay nasa inyong mga kamay. Iligtas nʼyo po ako sa aking mga kaaway na umuusig sa akin. Ipadama nʼyo ang inyong kabutihan sa akin na inyong lingkod. Sa inyong pagmamahal, iligtas nʼyo ako. PANGINOON, huwag nʼyong payagang akoʼy mapahiya, dahil sa inyo ako tumatawag. Ang masasama sana ang mapahiya at manahimik doon sa libingan. Patahimikin nʼyo silang mga sinungaling, pati ang mga mayayabang at mapagmataas na binabalewala at hinahamak ang mga matuwid. O kay dakila ng inyong kabutihan; sa mga may takot sa inyo, pagpapalaʼy inyong inilaan. Nakikita ng karamihan ang mga ginawa nʼyong kabutihan sa mga taong kayo ang kanlungan. Itinago nʼyo sila sa ilalim ng inyong pagkalinga. At doon ay ligtas sila sa mga masamang balak at pang-iinsulto ng iba. Purihin ang PANGINOON, dahil kahanga-hanga ang pag-ibig niyang ipinakita sa akin noong akoʼy naipit sa isang sinasalakay na bayan. Doon akoʼy natakot at nasabi ko, “Binalewala na ako ng PANGINOON.” Ngunit narinig niya pala ang aking kahilingan, at akoʼy kanyang tinulungan. O, kayong tapat niyang mga mamamayan, mahalin ninyo ang PANGINOON. Iniingatan niya ang mga tapat sa kanya, ngunit lubos ang kanyang parusa sa mga mapagmataas. Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob, kayong mga umaasa sa PANGINOON.
Mga Awit 31:1-24 Ang Biblia (TLAB)
Sa iyo, Oh Panginoon, nanganganlong ako; huwag akong mapahiya kailan man; palayain mo ako sa iyong katuwiran. Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; iligtas mo akong madali: maging matibay na kanlungan ka nawa sa akin, bahay na sanggalangan upang iligtas ako. Sapagka't ikaw ang aking malaking bato, at aking kuta; alangalang nga sa iyong pangalan ay pangunahan mo ako, at patnubayan mo ako. Hugutin mo ako sa silo na kanilang inilagay na lihim ukol sa akin; sapagka't ikaw ang aking katibayan. Sa iyong kamay ay inihabilin ko ang aking diwa; iyong tinubos ako, Oh Panginoon, ikaw na Dios ng katotohanan. Aking pinagtataniman ang nangagmamasid ng mga walang kabuluhang karayaan: nguni't tumitiwala ako sa Panginoon. Ako'y matutuwa at magagalak sa iyong kagandahang-loob: sapagka't iyong nakita ang aking kadalamhatian: iyong nakilala ang aking kaluluwa sa mga kasakunaan: At hindi mo kinulong sa kamay ng kaaway; iyong inilagay ang aking mga paa sa maluwag na dako. Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't ako'y nasa kahirapan: ang aking mata ay namumugto sa kapanglawan, oo, ang aking kaluluwa, at aking katawan. Sapagka't ang aking buhay ay napupugnaw sa kapanglawan, at ang aking mga taon ay sa pagbubuntong hininga: ang aking lakas ay nanglulupaypay dahil sa aking kasamaan, at ang aking mga buto ay nangangatog. Dahil sa lahat ng aking mga kaaway ay naging kaduwahagihan ako, Oo, lubha nga sa aking mga kapuwa, at takot sa aking mga kakilala: silang nangakakita sa akin sa labas ay tinakasan ako. Ako'y nilimot sa pagiisip na parang patay na tao: Ako'y parang basag na sisidlan. Sapagka't aking narinig ang paninirang puri ng marami, kakilabutan sa bawa't dako. Samantalang sila'y nagsasangguniang magkakasama laban sa akin, kanilang pinagsisikapang alisin ang aking buhay. Nguni't tumiwala ako sa iyo, Oh Panginoon: aking sinabi: Ikaw ay aking Dios. Ang aking mga kapanahunan ay nasa iyong kamay: iligtas mo ako sa kamay ng aking mga kaaway, at sa mga nagsisiusig sa akin. Iyong pasilangin ang iyong mukha sa iyong lingkod: iligtas mo ako ng iyong kagandahang-loob. Huwag nawa akong mapahiya, Oh Panginoon; sapagka't ako'y tumawag sa iyo: mapahiya nawa ang masama, magsitahimik nawa sila sa Sheol. Matahimik nawa ang mga sinungaling na labi; na nangagsasalita laban sa matuwid ng kalasuwaan, ng kapalaluan at paghamak. Oh pagkadakila ng iyong kabutihan, na iyong iningatan para sa kanila na nangatatakot sa iyo, na iyong ginawa sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo, sa harap ng mga anak ng mga tao! Sa lihim ng iyong harapan ay iyong ikukubli sila sa mga banta ng mga tao: iyong iingatan silang lihim sa kulandong mula sa mga talas ng mga dila. Purihin ang Panginoon: sapagka't ipinakilala niya sa akin ang kaniyang kagilagilalas na kagandahang-loob sa isang matibay na bayan. Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking pagmamadali, nahiwalay ako sa harap ng iyong mga mata: gayon ma'y dininig mo ang tinig ng aking mga pamanhik, nang ako'y dumaing sa iyo. Oh ibigin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga banal niya: pinalalagi ng Panginoon ang tapat, at pinanghihigantihang lubos ang manggagawang palalo. Kayo'y mangagpakalakas, at mangagdalang tapang ang inyong puso, kayong lahat na nagsisiasa sa Panginoon.
Mga Awit 31:1-24 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Lumalapit ako sa iyo, Yahweh, upang ingatan; huwag mo sana akong ilagay sa kahihiyan. Ikaw ay isang Diyos na makatuwiran, iligtas mo ako, ito'ng aking kahilingan. Ako'y iyong dinggin, iligtas ngayon din! Sana'y ikaw ang aking maging batong kublihan; matibay na kuta para sa aking kaligtasan. Ikaw ang aking kanlungan at sanggalang; ayon sa pangako mo, akayin ako't patnubayan. Iligtas mo ako sa nakaumang na patibong; laban sa panganib, sa iyo manganganlong. Sa iyong kamay, ipinagkakatiwala ko ang aking buhay. At sa aki'y ibibigay ang iyong kaligtasan; ikaw ay Diyos na mapagkakatiwalaan. Ikaw ay namumuhi sa mga sumasamba sa mga diyus-diyosang walang halaga, ngunit sa iyo, Yahweh, ako umaasa. Matutuwa ako at magagalak, dahil sa pag-ibig mong wagas. Paghihirap ko'y iyong nakikita, alam mo ang aking pagdurusa. Di mo ako hinayaan sa kamay ng kaaway; binigyan pa ng laya sa aking paglalakbay. O Yahweh, sana'y iyong kahabagan, sapagkat ako ay nasa kaguluhan; namamaga na ang mata dahil sa pagluha, buong pagkatao ko'y mahinang mahina! Pinagod ako ng aking kalungkutan, dahil sa pagluha'y umikli ang aking buhay. Pinanghina ako ng mga suliranin, pati mga buto ko'y naaagnas na rin. Nilalait ako ng aking mga kaaway, hinahamak ako ng mga kapitbahay; mga dating kakilala ako'y iniiwasan, kapag ako'y nakasalubong ay nagtatakbuhan. Para akong patay na kanilang nakalimutan, parang sirang gamit na hindi na kailangan. Maraming mga banta akong naririnig, mula sa mga kaaway sa aking paligid; may masama silang binabalak sa akin, plano nilang ako ay patayin. Subalit sa iyo, Yahweh, ako'y nagtitiwala, ikaw ang aking Diyos na dakila! Ikaw ang may hawak nitong aking buhay, iligtas mo ako sa taga-usig ko't mga kaaway. Itong iyong lingkod, sana ay lingapin, sa wagas mong pag-ibig ako ay sagipin. Sa iyo, Yahweh, ako'y nananawagan, huwag hayaang malagay ako sa kahihiyan. Ang masasamang tao ang dapat na mapahiya, sa daigdig ng mga patay, tahimik silang bababâ. Patahimikin mo ang mga sinungaling, ang mga palalong ang laging layunin, ang mga matuwid ay kanilang hamakin. Kay sagana ng mabubuting bagay, na laan sa mga sa iyo'y gumagalang. Nalalaman ng lahat ang iyong kabutihang-loob, matatag ang pag-iingat sa nagtitiwala sa iyong lubos. Iniingatan mo sila at kinakalinga, laban sa balak ng taong masasama; inilalagay mo sila sa ligtas na kublihan, upang hindi laitin ng mga kaaway. Purihin si Yahweh! Kahanga-hanga ang ipinakita niyang pag-ibig sa akin, nang ako'y nagigipit at parang lunsod na sasalakayin! Ako ay natakot, labis na nangamba, sa pag-aakalang ako'y itinakwil na. Ngunit dininig mo ang aking dalangin, nang ang iyong tulong ay aking hingin. Mahalin ninyo si Yahweh, kayong kanyang bayan. Mga tapat sa kanya, ay kanyang iniingatan, ngunit ang palalo'y pinaparusahan ng angkop sa kanilang kasalanan. Magpakatatag kayo at lakasan ang loob, kayong kay Yahweh'y nagtitiwalang lubos.
Mga Awit 31:1-24 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sa iyo, Oh Panginoon, nanganganlong ako; Huwag akong mapahiya kailan man; Palayain mo ako sa iyong katuwiran. Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; iligtas mo akong madali: Maging matibay na kanlungan ka nawa sa akin, Bahay na sanggalangan upang iligtas ako. Sapagka't ikaw ang aking malaking bato, at aking kuta; Alangalang nga sa iyong pangalan ay pangunahan mo ako, at patnubayan mo ako. Hugutin mo ako sa silo na kanilang inilagay na lihim ukol sa akin; sapagka't ikaw ang aking katibayan. Sa iyong kamay ay inihabilin ko ang aking diwa; Iyong tinubos ako, Oh Panginoon, ikaw na Dios ng katotohanan. Aking pinagtataniman ang nangagmamasid ng mga walang kabuluhang karayaan: Nguni't tumitiwala ako sa Panginoon. Ako'y matutuwa at magagalak sa iyong kagandahang-loob: Sapagka't iyong nakita ang aking kadalamhatian: Iyong nakilala ang aking kaluluwa sa mga kasakunaan: At hindi mo kinulong sa kamay ng kaaway; Iyong inilagay ang aking mga paa sa maluwag na dako. Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't ako'y nasa kahirapan: Ang aking mata ay namumugto sa kapanglawan, oo, ang aking kaluluwa, at aking katawan. Sapagka't ang aking buhay ay napupugnaw sa kapanglawan, At ang aking mga taon ay sa pagbubuntong hininga: Ang aking lakas ay nanglulupaypay dahil sa aking kasamaan, At ang aking mga buto ay nangangatog. Dahil sa lahat ng aking mga kaaway ay naging kaduwahagihan ako, Oo, lubha nga sa aking mga kapuwa, At takot sa aking mga kakilala: Silang nangakakita sa akin sa labas ay tinakasan ako. Ako'y nilimot sa pagiisip na parang patay na tao: Ako'y parang basag na sisidlan. Sapagka't aking narinig ang paninirang puri ng marami, Kakilabutan sa bawa't dako. Samantalang sila'y nagsasangguniang magkakasama laban sa akin, Kanilang pinagsisikapang alisin ang aking buhay. Nguni't tumiwala ako sa iyo, Oh Panginoon: Aking sinabi: Ikaw ay aking Dios. Ang aking mga kapanahunan ay nasa iyong kamay: Iligtas mo ako sa kamay ng aking mga kaaway, at sa mga nagsisiusig sa akin. Iyong pasilangin ang iyong mukha sa iyong lingkod: Iligtas mo ako ng iyong kagandahang-loob. Huwag nawa akong mapahiya, Oh Panginoon; sapagka't ako'y tumawag sa iyo: Mapahiya nawa ang masama, magsitahimik nawa sila sa Sheol. Matahimik nawa ang mga sinungaling na labi; Na nangagsasalita laban sa matuwid ng kalasuwaan, Ng kapalaluan at paghamak. Oh pagkadakila ng iyong kabutihan, Na iyong iningatan para sa kanila na nangatatakot sa iyo, Na iyong ginawa sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo, Sa harap ng mga anak ng mga tao! Sa lihim ng iyong harapan ay iyong ikukubli sila sa mga banta ng mga tao: Iyong iingatan silang lihim sa kulandong mula sa mga talas ng mga dila. Purihin ang Panginoon: Sapagka't ipinakilala niya sa akin ang kaniyang kagilagilalas na kagandahang-loob sa isang matibay na bayan. Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking pagmamadali, Nahiwalay ako sa harap ng iyong mga mata: Gayon ma'y dininig mo ang tinig ng aking mga pamanhik, Nang ako'y dumaing sa iyo. Oh ibigin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga banal niya: Pinalalagi ng Panginoon ang tapat, At pinanghihigantihang lubos ang manggagawang palalo. Kayo'y mangagpakalakas, at mangagdalang tapang ang inyong puso, Kayong lahat na nagsisiasa sa Panginoon.