Mga Awit 3:3-6
Mga Awit 3:3-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ngunit ikaw Yahweh, ang aking sanggalang, binibigyan mo ako ng tagumpay at karangalan. Tumatawag ako kay Yahweh at humihingi ng tulong, sinasagot niya ako mula sa banal na bundok. (Selah) Ako'y nakakatulog at nagigising, buong gabi'y si Yahweh ang tumitingin. Sa maraming kalaba'y di ako matatakot, magsipag-abang man sila sa aking palibot.
Mga Awit 3:3-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ngunit kayo ang aking kalasag. Pinalalakas nʼyo ako at pinagtatagumpay sa aking mga kaaway. Tumawag ako sa inyo PANGINOON at sinagot nʼyo ako mula sa inyong banal na bundok. At dahil iniingatan nʼyo ako, nakakatulog ako at nagigising pa. Hindi ako matatakot kahit ilang libo pang kaaway ang nakapalibot sa akin.
Mga Awit 3:3-6 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo. Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon, at sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na bundok. (Selah) Ako'y nahiga, at natulog; ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon. Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan, na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot.
Mga Awit 3:3-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ngunit ikaw Yahweh, ang aking sanggalang, binibigyan mo ako ng tagumpay at karangalan. Tumatawag ako kay Yahweh at humihingi ng tulong, sinasagot niya ako mula sa banal na bundok. (Selah) Ako'y nakakatulog at nagigising, buong gabi'y si Yahweh ang tumitingin. Sa maraming kalaba'y di ako matatakot, magsipag-abang man sila sa aking palibot.
Mga Awit 3:3-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nguni't ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: Aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo. Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon, At sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na bundok. (Selah) Ako'y nahiga, at natulog; Ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon. Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan, Na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot.