Mga Awit 3:2-5
Mga Awit 3:2-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang lagi nilang pinag-uusapan, ako raw, O Diyos, ay di mo tutulungan! (Selah) Ngunit ikaw Yahweh, ang aking sanggalang, binibigyan mo ako ng tagumpay at karangalan. Tumatawag ako kay Yahweh at humihingi ng tulong, sinasagot niya ako mula sa banal na bundok. (Selah) Ako'y nakakatulog at nagigising, buong gabi'y si Yahweh ang tumitingin.
Mga Awit 3:2-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinasabi nilang hindi nʼyo raw ako ililigtas. Ngunit kayo ang aking kalasag. Pinalalakas nʼyo ako at pinagtatagumpay sa aking mga kaaway. Tumawag ako sa inyo PANGINOON at sinagot nʼyo ako mula sa inyong banal na bundok. At dahil iniingatan nʼyo ako, nakakatulog ako at nagigising pa.
Mga Awit 3:2-5 Ang Biblia (TLAB)
Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa: walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah) Nguni't ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo. Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon, at sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na bundok. (Selah) Ako'y nahiga, at natulog; ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon.
Mga Awit 3:2-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang lagi nilang pinag-uusapan, ako raw, O Diyos, ay di mo tutulungan! (Selah) Ngunit ikaw Yahweh, ang aking sanggalang, binibigyan mo ako ng tagumpay at karangalan. Tumatawag ako kay Yahweh at humihingi ng tulong, sinasagot niya ako mula sa banal na bundok. (Selah) Ako'y nakakatulog at nagigising, buong gabi'y si Yahweh ang tumitingin.
Mga Awit 3:2-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa: Walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah) Nguni't ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: Aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo. Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon, At sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na bundok. (Selah) Ako'y nahiga, at natulog; Ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon.