Mga Awit 29:3-4
Mga Awit 29:3-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang tinig ng PANGINOONG Dios na makapangyarihan ay dumadagundong na parang kulog sa ibabaw ng malalakas na alon ng karagatan. Ang tinig ng PANGINOON ay makapangyarihan at kagalang-galang.
Mga Awit 29:3-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tinig ni Yahweh'y naririnig sa ibabaw ng dagat, ang dakilang Diyos ay nagpapakidlat, umaalingawngaw at naririnig ng lahat. Tinig ni Yahweh'y makapangyarihan, at punung-puno ng kadakilaan.
Mga Awit 29:3-4 Ang Biblia (TLAB)
Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig: ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog, sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng maraming tubig. Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan; ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan.
Mga Awit 29:3-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Tinig ni Yahweh'y naririnig sa ibabaw ng dagat, ang dakilang Diyos ay nagpapakidlat, umaalingawngaw at naririnig ng lahat. Tinig ni Yahweh'y makapangyarihan, at punung-puno ng kadakilaan.
Mga Awit 29:3-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig: Ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog, Sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng maraming tubig. Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan; Ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan.