Mga Awit 29:1-2
Mga Awit 29:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Purihin ninyo si Yahweh, mga nilikha sa kalangitan, kilalanin ang kanyang lakas at kanyang kaluwalhatian. Purihin ang kanyang maluwalhating pangalan, sambahin si Yahweh sa banal na kaayusan.
Mga Awit 29:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)
Purihin ang PANGINOON, kayong mga anak ng makapangyarihang Dios. Purihin siya sa kanyang kadakilaan at kapangyarihan. Papurihan ang PANGINOON ng mga papuring nararapat sa kanyang pangalan. Sambahin ninyo siya sa kanyang banal na presensya.
Mga Awit 29:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Mangagbigay kayo sa Panginoon, Oh kayong mga anak ng makapangyarihan, mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan. Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan: inyong sambahin ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan.
Mga Awit 29:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Purihin ninyo si Yahweh, mga nilikha sa kalangitan, kilalanin ang kanyang lakas at kanyang kaluwalhatian. Purihin ang kanyang maluwalhating pangalan, sambahin si Yahweh sa banal na kaayusan.
Mga Awit 29:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Mangagbigay kayo sa Panginoon, Oh kayong mga anak ng makapangyarihan, Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan. Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan: Inyong sambahin ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan.