Mga Awit 28:1-9
Mga Awit 28:1-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tagapagtanggol kong Yahweh, ako'y nananawagan, sana'y iyong pakinggan itong aking karaingan. Kung katugunan ay hindi mo ibibigay, para na rin akong nasa daigdig ng mga patay. Pakinggan mo sana ang paghingi ko ng saklolo, kapag itinataas ang kamay ko sa iyong banal na Templo. Huwag mo akong ibilang sa mga masasama, na pawang kalikuan ang mga ginagawa; kung magsalita'y parang mga kaibigan, ngunit sa puso'y may pagkamuhing taglay. Parusahan mo sila sa kanilang ginagawa, pagkat mga gawa nila'y pawang masasama. Parusa sa kanila'y iyong igawad, ibigay sa kanila ang hatol na dapat. Mga gawa ni Yahweh ay di nila pinapansin, mabubuti niyang gawa'y ayaw intindihin; kaya't sila'y kanyang pupuksain, at hindi na muling pababangunin. Si Yahweh ay dapat purihin! Dininig niya ang aking mga daing. Si Yahweh ang lakas ko at kalasag, tiwala ko'y sa kanya nakalagak. Tinutulungan niya ako at pinasasaya, sa awiti'y pinasasalamatan ko siya. Iniingatan ni Yahweh ang kanyang sambayanan; siya ang kanlungan ng kanyang haring hinirang. Iligtas mo, Yahweh, ang iyong bayan, ang mga sa iyo, ay iyong basbasan. Alagaan mo sila magpakailanman, tulad ng pastol sa kanyang kawan.
Mga Awit 28:1-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sa iyo, Oh Panginoon, tatawag ako; Bato ko, huwag kang magpakabingi sa akin: Baka kung ikaw ay tumahimik sa akin, Ako'y maging gaya nila na bumaba sa hukay. Dinggin mo ang tinig ng aking mga pananaing, pagka ako'y dumadaing sa iyo, Pagka aking iginagawad ang aking mga kamay sa dako ng banal na sanggunian sa iyo. Huwag mo akong agawin na kasama ng mga masama, At ng mga manggagawa ng kasamaan; Na nangagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapuwa, Nguni't kasamaan ay nasa kanilang mga puso. Bigyan mo sila ng ayon sa kanilang gawa, at ng ayon sa kasamaan ng kanilang mga gawain: Gantihin mo sila ng ayon sa kilos ng kanilang mga kamay. Bayaran mo sila ng ukol sa kanila, Sapagka't ayaw nilang pakundanganan ang mga gawa ng Panginoon, Ni ang kilos man ng kaniyang mga kamay, Kaniyang ibabagsak sila, at hindi sila itatayo. Purihin ang Panginoon, Sapagka't dininig niya ang tinig ng aking mga pananaing. Ang Panginoon ay aking kalakasan at aking kalasag; Ang aking puso ay tumiwala sa kaniya, at ako'y nasaklolohan: Kaya't ang aking puso ay nagagalak na mainam; At aking pupurihin siya ng aking awit. Ang Panginoon ay kanilang kalakasan, At siya'y kuta ng kaligtasan sa kaniyang pinahiran ng langis. Iligtas mo ang iyong bayan, at pagpalain mo ang iyong pamana: Naging pastor ka rin naman nila, at alalayan mo sila magpakailan man.
Mga Awit 28:1-9 Ang Salita ng Dios (ASND)
Tumatawag ako sa inyo, PANGINOON, ang aking Bato na kanlungan. Dinggin nʼyo ang aking dalangin! Dahil kung hindi, matutulad ako sa mga patay na nasa libingan. Pakinggan nʼyo ang aking pagsusumamo! Humingi ako sa inyo ng tulong, habang itinataas ang aking mga kamay sa harap ng inyong banal na templo. Huwag nʼyo akong parusahan kasama ng masasama. Nagkukunwari silang mga kaibigan, pero ang plano palaʼy pawang kasamaan. Gantihan nʼyo sila ayon sa kanilang mga gawa. Parusahan nʼyo sila ayon sa masama nilang gawa. Binalewala nila ang inyong mga gawa. Gaya ng lumang gusali, gibain nʼyo sila at huwag nang itayong muli. Purihin kayo, PANGINOON, dahil pinakinggan nʼyo ang aking pagsusumamo. Kayo ang nagpapalakas at nag-iingat sa akin. Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso. Tinutulungan nʼyo ako, kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat. Kayo, PANGINOON, ang kalakasan ng inyong mga mamamayan. Iniingatan nʼyo ang inyong haring hinirang. Iligtas nʼyo po at pagpalain ang mga mamamayang pag-aari ninyo. Katulad ng isang pastol, bantayan nʼyo sila, at kalungin magpakailanman.
Mga Awit 28:1-9 Ang Biblia (TLAB)
Sa iyo, Oh Panginoon, tatawag ako; bato ko, huwag kang magpakabingi sa akin: baka kung ikaw ay tumahimik sa akin, ako'y maging gaya nila na bumaba sa hukay. Dinggin mo ang tinig ng aking mga pananaing, pagka ako'y dumadaing sa iyo, pagka aking iginagawad ang aking mga kamay sa dako ng banal na sanggunian sa iyo. Huwag mo akong agawin na kasama ng mga masama, at ng mga manggagawa ng kasamaan; na nangagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapuwa, Nguni't kasamaan ay nasa kanilang mga puso. Bigyan mo sila ng ayon sa kanilang gawa, at ng ayon sa kasamaan ng kanilang mga gawain: gantihin mo sila ng ayon sa kilos ng kanilang mga kamay. Bayaran mo sila ng ukol sa kanila, Sapagka't ayaw nilang pakundanganan ang mga gawa ng Panginoon, ni ang kilos man ng kaniyang mga kamay, kaniyang ibabagsak sila, at hindi sila itatayo. Purihin ang Panginoon, sapagka't dininig niya ang tinig ng aking mga pananaing. Ang Panginoon ay aking kalakasan at aking kalasag; ang aking puso ay tumiwala sa kaniya, at ako'y nasaklolohan: kaya't ang aking puso ay nagagalak na mainam; at aking pupurihin siya ng aking awit. Ang Panginoon ay kanilang kalakasan, at siya'y kuta ng kaligtasan sa kaniyang pinahiran ng langis. Iligtas mo ang iyong bayan, at pagpalain mo ang iyong pamana: naging pastor ka rin naman nila, at alalayan mo sila magpakailan man.
Mga Awit 28:1-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)