Mga Awit 27:7-10
Mga Awit 27:7-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pakinggan mo ako Yahweh, sa aking panawagan, sagutin mo ako at iyong kahabagan. Nang sabihin mo Yahweh, “Lumapit ka sa akin,” sagot ko'y, “Nariyan na ako at kita'y sasambahin.” Huwag ka sanang magagalit sa akin; ang iyong lingkod, huwag mo sanang palayasin. Tinulungan mo ako, Diyos ng aking kaligtasan, huwag mo po akong iwan, at huwag pabayaan! Itakwil man ako ng aking ama at ina, si Yahweh ang sa akin ay mag-aaruga.
Mga Awit 27:7-10 Ang Salita ng Dios (ASND)
Dinggin nʼyo PANGINOON ang aking pagtawag. Kahabagan nʼyo ako at sagutin ang aking dalangin. PANGINOON, hinipo nʼyo ang aking puso na lumapit sa inyo, kaya narito ako, lumalapit sa inyo. Huwag nʼyo po akong pagtaguan! Ako na alipin nʼyo ay huwag nʼyong itakwil dahil sa inyong galit. Kayo na laging tumutulong sa akin, huwag nʼyo akong iwanan at pabayaan, O Dios na aking Tagapagligtas. Iwanan man ako ng aking mga magulang, kayo naman, PANGINOON, ang mag-aalaga sa akin.
Mga Awit 27:7-10 Ang Biblia (TLAB)
Dinggin mo, Oh Panginoon, pagka ako'y sumisigaw ng aking tinig: maawa ka rin sa akin, at sagutin mo ako. Nang iyong sabihin, hanapin ninyo ang aking mukha; ang aking puso ay nagsabi sa iyo, ang iyong mukha, Panginoon, ay hahanapin ko. Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin; huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit: ikaw ay naging aking saklolo; huwag mo akong itakuwil, o pabayaan man, Oh Dios ng aking kaligtasan. Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina, gayon ma'y dadamputin ako ng Panginoon.
Mga Awit 27:7-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pakinggan mo ako Yahweh, sa aking panawagan, sagutin mo ako at iyong kahabagan. Nang sabihin mo Yahweh, “Lumapit ka sa akin,” sagot ko'y, “Nariyan na ako at kita'y sasambahin.” Huwag ka sanang magagalit sa akin; ang iyong lingkod, huwag mo sanang palayasin. Tinulungan mo ako, Diyos ng aking kaligtasan, huwag mo po akong iwan, at huwag pabayaan! Itakwil man ako ng aking ama at ina, si Yahweh ang sa akin ay mag-aaruga.
Mga Awit 27:7-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Dinggin mo, Oh Panginoon, pagka ako'y sumisigaw ng aking tinig: Maawa ka rin sa akin, at sagutin mo ako. Nang iyong sabihin, Hanapin ninyo ang aking mukha; ang aking puso ay nagsabi sa iyo, Ang iyong mukha, Panginoon, ay hahanapin ko. Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin; Huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit: Ikaw ay naging aking saklolo; Huwag mo akong itakuwil, o pabayaan man, Oh Dios ng aking kaligtasan. Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina, Gayon ma'y dadamputin ako ng Panginoon.